Manny to “Maritess”: “Paparusahan kayo ng ating Panginoon.”
Manny Pacquiao on rumor that he and wife Jinkee have broken up: “Kasi binabalita, mga Maritess diyan… baka mamatay kayo sa inggit.”
PHOTO/S: @JINKEEPACQUIAO ON INSTAGRAM / MANNY PACQUIAO TIKTOK
May pasaring si Manny Pacquiao sa mga “Maritess” na nagpapakalat ng pekeng balita na hiwalay na sila ng asawang si Jinkee Pacquiao.
Ngayong Miyerkules, February 1, 2023, nag-post ng TikTok video ang Pambansang Kamao.
Magkasama ang mag-asawa sa isang coffee shop sa General Santos City, at kumuha ng video si Manny habang nagdi-date sila.
“Nandito kami ngayon sa Starbucks sa GenSan sa SM kasama ang aking soulmate, si Jinkee.
“Kasi binabalita, mga Maritess diyan…” pahayag ni Manny na nagpahalakhak kay Jinkee.
Natatawang pagpapatuloy ni Manny, “Baka mamatay kayo sa inggit.”
Paalala pa ng dating senador, “Mga tsismis diyan, naku, paparusahan kayo ng ating Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo, alalahanin nyong mabuti.
“Stay safe. Know that God is good all the time.”
JINKEE PACQUIAO DECLARES LOVE FOR MANNY ON IG
Kasabay ng TikTok video ni Manny ay may makahulugang IG post din si Jinkee ngayong araw. Mahihinuhang reaksiyon niya ito sa isyung hiwalayan nila ni Manny.
Idineklara ni Jinkee ang pagmamahal kay Manny sa kanyang post.
“Home is wherever i’m with you. By your side is where i want to be. I Love You, babe!” caption ni Jinkee na pinuno pa niya ng mga love at positive emojis.
Ang mga larawan ay kuha rin sa pagpasyal nila sa coffee shop at may mga kuha rin sa kanilang tahanan.
Sunud-sunod din ang post ni Jinkee sa IG Story niya ng video ni Manny at mga larawan nilang mag-asawa.
THE BREAKUP RUMOR
Nitong mga nakalipas na araw ay may lumabas na isyung hiwalay na ang mag-asawa na tinalakay sa isang YouTube video.
Diumano ay nag-file pa raw ng annulment case si Jinkee.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Pero ipinagtanggol ang mag-asawa ng kanilang mga kaibigan, kabilang na si Annabelle Rama, na sinabing walang katotohanan ang isyu.
Sinabi rin ni Annabelle sa kanyang Facebook post na buntis umano si Jinkee.
News
Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?
WHAT PEP KNOWS: Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo? Dominic Roque (left) announced that Kathryn Bernardo (right) was invited to his wedding at a time when he and fiancee Bea Alonzo (not in photo) had already broken up, claims…
Carlos Yulo still adjusting to new life as more rewards pour in
Carlos Yulo, the Philippines’ first double Olympic gold medalist, says he is still getting used to his life in the public eye since his historic triumph in the Paris Games MANILA, Philippines – Carlos Yulo is grateful for his new…
Jinkee and Manny Pacquiao show how strong their love is
Spell L-O-V-E. Manny and Jinkee Pacquiao seemed to have fallen in love with each other even more. Although they have been married for a while, their bond has never been stronger, coming out of a loss from the elections last…
Amid Selling Carlos Yulo’s Childhood Home, Gymnast’s Mother Offered Major Role “Love Yourself. Stop Crying”
A new twist in the Yulo family drama! As the first Filipino male gymnastics Olympic gold medalist, Carlos Yulo is currently reveling in his achievements with elation. However, on the other hand, the gymnast’s relationship with his mother, Angelica, has…
IShowSpeed awestruck by Manny Pacquiao’s $480K customized Hummer H2
YouTube sensation IShowSpeed was left in awe upon seeing the $480,000 customized Hummer H2 owned by boxing icon Manny Pacquiao. During a visit to Pacquiao’s mansion, IShowSpeed was immediately captivated by the Hummer, a standout piece in the boxing…
Ogie Diaz advises Carlos Yulo’s father to be cautious amid family feud
Talent manager and comedian Ogie Diaz has advised Mark Andrew Yulo, father of two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, to exercise caution in his public statements regarding their ongoing family rift. During the latest episode of his ‘Showbiz Update’ vlog,…
End of content
No more pages to load