Inamin ng Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto na naging sila noon ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara.
Ginawa ni Darren ang pag-amin nang mag-guest siya sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, April 15, 2024.
Dito ay inusisa siya ng host na si Boy Abunda tungkol sa pagkaka-link niya kamakailan kay Kyline at sa isa pang Kapuso na si Jillian Ward.
Saad ni Boy, “Doon sa pangalawang shini-ship sa yo, I’m talking about Kyline, what is the true story? Sabihin mo sa akin ang totoo. Naging kayo?”
Sagot ni Darren, “Hindi ko po masagot ng yes or no kasi it was, like, parang puppy love kind of thing lang po yon.”
“But there was?” sundot na tanong sa kanya ni Boy.
Mabilis na sagot ng It’s Showtime co–host, “Opo, before we were younger.”
Ito rin daw ang dahilan kung bakit sila tinukso ni Vice Ganda sa It’s Showtime noong nag-guest dito si Kyline.
Pagpapatuloy niya, “Yun nga po na tinutukso kami na, ‘Kasi nga…’
“Kasi nga, naging kami dati. Ayun po kaya kami binibiro ni Ate Vice.”
Pag-uusisa pa ni Boy, “Gaano kayo katagal?”
Tugon ni Darren, “Like a year, I think. Kaya po kami very comfortable [sa isa’t isa].”
Pag-amin pa ni Darren, hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon ni Kyline.
Dumaan daw sila sa proseso hanggang sa magkapatawaran sila at piliing maging muling magkaibigan.
Paglilinaw ni Darren, “[Nagkahiwalay kami] because of some misunderstanding.
“And then, when we both matured, parang six years later, napag-usapan na namin.
“Eventually, we became okay with each other again at naging friends na ulit kami.”
Iginiit ni Darren na walang third party sa breakup nila ni Kyline.
“More on misunderstandings talaga. Kasi siyempre mga bata, parang konting petty na away,” sabi niya.
Parehong naugnay sina Darren at Kyline sa kambal na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi.
Si Kyline ay naging nobyo si Mavy, habang si Darren naman ay sinabing matalik na magkaibigan lang sila ni Cassy.
Samantala, sa panayam ni Mavy sa 24 Oras noong April 12, sinabi niyang wala siyang nakikitang problema sa muling pagkaka-link ni Darren kay Kyline.
Ani Mavy, “I have no problem kasi Darren and I are very close friends.
“Again, what you see on TV is what you get. Pero behind closed doors, nagme-message message kami ni Darren, so we’re very good.”
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang kampo ni Kyline tungkol sa naging pag-amin ni Darren.
News
Who is Carmina Villarroel, Cassy Legaspi’s cryptic posts about?
Nagugulumihan ang ilang netizens sa magkahiwalay na cryptic posts ng mag-inang Carmina Villarroel at Cassy Legaspi sa kanilang Instagram Stories kahapon, April 9, 2024. Hinala ng ilang netizens, may pinatatamaan ang mag-ina. Sabi ni Carmina sa kanyang post, “Don’t expect the same in return.” Sa…
Kyline Alcantara reacts to viral video with Kobe Paras: ‘I don’t owe the public any explanation’
Kyline Alcantara stressed that she doesn’t owe the public an explanation of the real score between her and Kobe Paras following a viral video of them together. The actress talked about her rumored relationship in an interview with 24 Oras. “I feel like it’s my…
OMG! Kyline Alcantara and Kobe Paras ARE OFFICIALLY DATING
Usap-usapan ngayon sa social media kung may namamagitan ba sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara at sa basketball player na si Kobe Paras. Ito’y matapos mapansin ng mapanuring netizens ang pagkakahawig ng larawang ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account. Dahil dito, nagkaroon…
HARD LAUNCH? Kobe Paras and Kyline Alcantara spotted HHWW
May relasyon na ba sina Kyline Alcantara at Kobe Paras? Ito ang tanong ng netizens matapos mapanood ang viral holding-hands-while-walking (HHWW) video nila na kumalat sa social media nitong Martes ng gabi, June 25, 2024. Karamihan ng mga nagkomento sa video ay nagsabing…
Kylie Verzosa cries ‘misquoted’ on Coco Martin’s relationship status
MANILA, Philippines — “I was misquoted!” Miss International 2016 Kylie Verzosa exclaimed when asked if she really confirmed that Coco Martin is single. Kylie worked with Martin for his directorial debut for last year’s Manila Film Festival entry, “Ang Panday.”…
‘Alyana’ Yassi Pressman resists being ‘third wheel’ to Coco Martin, Julia Montes
MANILA, Philippines — Netizens took to social media their reaction to Tuesday night’s episode of “Ang Probinsyano,” wherein Coco Martin’s leading lady in the hit ABS-CBN series, Alyana, played by Yassi Pressman, was seen dating another guy. “Technically Alyana is…
End of content
No more pages to load