Tila unti-unting nagpapahiwatig sina Dominic Roque, 30, at Bea Alonzo, 33, tungkol sa napapabalitang maganda nilang pagtitinginan.
Noong January 6, 2021, nag-post si Dominic ng ilang litrato na hinihinalang kuha sa date night nila ni Bea Alonzo.
Ang location na nilagay niya ay sa isang Japanese restaurant sa BGC, Taguig City.
Sa mga naunang picture, solo lang si Dominic na nakangiti habang may hawak na chopsticks.
IS DOMINIC WITH BEA?
Pero mas naging kapansin-pansin ang ikasampu at pinakahuling litrato sa Instagram post ni Dominic.
Makikita kasi sa litrato ang kanang paa ni Dominic at kaliwang paa ng kasama niyang babae.
Pareho silang nakasuot ng white sneakers.
Sa comments section, nakasaad na naniniwala ang netizens na si Bea raw ang kasama ni Dominic.
May nagsabi pa na sana ay nag-post na si Dominic ng picture na kita ang mga mukha nila ni Bea dahil tanggap naman daw nila ang pagkakaigihan ng dalawa.
BEA’S INSTAGRAM POST
Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang picture ni Bea sa kaparehong Japanese restaurant.
Sa Instagram post ni Bea, solo lang din siya habang may hawak na wine glass. Mayroon ding chopsticks sa table ni Bea.
January 5 ang petsa ng Instagram post ni Bea.
Pero magkaiba man ang posting dates ang kani-kanilang photo, hindi raw maikakaila na si Dominic ang kumuha ng litrato ni Bea.
Hirit pa ng iba, “Kuhang dominic” at “Pitikang dom.”
REPORTED BLOSSOMING ROMANCE
Nag-umpisa sa pagiging simpleng magkaibigan ang ugnayan nina Bea at Dominic.
Magkasama pa silang nag-travel sa Japan noong November 2019.
Sa isang TV interview noong November 2019, inilarawan ni Bea si Dominic na “good friend of mine.”
Pero pagpasok ng taong 2020, naging kapansin-pansin ang pagkakamabutihan ng dalawa.
Madalas silang nakikitang magkasama sa family get-together at kahit sa simpleng paggo-grocery.
Sinasabing magkasama rin silang gumawa ng face shields para sa frontliners noong April 2020.
Hanggang sa nagsimulang magpahiwatig si Dominic na nabighani siya kay Bea Alonzo.
Bago mag-Pasko, nakapasyal sila sa Baguio kasama ng ilang mga kaibigan at kaanak.
At sa latest vlog ni Bea Alonzo nitong January 9, 2021, sinabi niyang “jojowain” niya si Dominic sa “Jojowain o Totropahin Challenge” nila ng kanyang ina.
News
Yassi Pressman recalls fun bonding moments with Coco Martin and half sister Cara in London-n
Kinilig ang marami sa mga fans nina Coco Martin atYassi Pressman nang lumabas ang video kung saan personal na na-meet ng Ang Probinsyano actor ang nakatatandang half sister ni Yassi na si Cara. Nag-show sa London ang cast ng Ang Probinsyano bilang pasasalamat sa…
Julia Montes posts throwback photo with Coco Martin as ABS-CBN replays their first teleserye together. Revealing the truth no one knows about Coco Martin-n
Julia Montes takes a trip down memory lane by posting her old photos with Coco Martin. The photos were outtakes from their first teleserye together, Walang Hanggan, which was shown in 2012. Julia’s post promotes the rerun of Walang Hanggan, which will…
Jessica, nag-react sa controversial concert nila ni Julie Anne-n
Kasama ni Julie Anne San Jose si Jessica Villarubin na nagtanghal sa Heavenly Harmony Concert na idinaos sa mismong harap ng altar ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro, noong Oktubre 6, 2024. Naging kontrobersiyal ang palabas at binatikos nang husto…
Bea Alonzo, Dominic Roque were spotted together in Amanpulo, already in love-n
Ito ay makalipas ang ilang araw na naging tampok ng espekulasyon ang solo pictures nina Bea at Dominic, na parehong naroon sa sikat na private island sa Palawan. Matinik ang avid supporters ng dalawa sa pagkalap ng ebidensiyang makikita ang dalawa…
The diamond ring is related to Julia Montes’ support of Coco Martin’s new project-n
Julia Montes, 25, sa bagong proyektong pagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin, 39. Sa kanyang Instagram Stories noong February 2, nag-post si Julia ng video ng trailer ng Love or Money, ang pelikulang pinagbibidahan nina Coco at Angelica Panganiban. Tanging…
Coco Martin compares Julia Montes and Yassi Pressman to these Pinoy dishes-n
Coco Martin compares Julia Montes and Yassi Pressman to these Pinoy dishes-n Coco Martin prefers street food over “sosyal” dishes. This was what the Ang Probinsyano lead actor revealed during his July 5 presscon for Sarsaya Oyster Sauce held at Las Casas…
End of content
No more pages to load