– Nag-post si AiAi delas Alas upang ipakita ang suporta sa pamilya ni Carlos Yulo sa gitna ng isyu sa pagitan nila ng 2-time Olympic gold medalist
– Ipinost ni AiAi sa Facebook ang larawan nina Angelica at Edriel Yulo habang nagla-live selling
– Nais daw ng komedyante na suportahan ang live selling ng mga kapatid at ina ni Carlos Yulo
– Nagbigay rin siya ng opinyon na mas mainam sundin ang payo ng ina pagdating sa usaping pag-ibig
Sa patuloy na sigalot sa pagitan ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ng kanyang pamilya, tila malinaw kung kanino nakasuporta ang komedyanteng si AiAi delas Alas.
Aiai Delas Alas, nais daw bumili sa live selling ni Angelica Yulo: “Support ko live selling nila” Source: Facebook
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni AiAi ang isang larawan nina Angelica at Edriel Yulo—mga kapatid ni Carlos—na abala sa kanilang live selling. Sa kanyang caption, nagtanong siya kung kailan muling magla-live selling ang dalawa dahil nais niyang sumuporta. “Nakita ko sila may nag-send saken sa messenger… kelan kaya ulit live selling nila? Bibili ako… support ko live selling nila… #teamnanay #madamingmadami #letsgomudrakels #labansabuhay,” ayon kay AiAi.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1071471974348385&set=a.205517854277139&type=3&ref=embed_POST
“May kasabihan nga pag-ibig pag pumasok kanino man hahamakin lahat masunod ka lamang… pero mas naniniwala ako sa kasabihang (pagdating sa pag-ibig ahhh) ‘Mother knows best,’” ani AiAi. Dagdag pa niya, ito rin ang payo niya sa kanyang mga anak dahil batid niyang ang hindi pagsunod sa kanyang ina noon ay nagresulta sa mga bigong relasyon.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.
Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.
News
Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”
– Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kay Anne Curtis matapos umano itong sumingit na mag-perform – Sa kanilang show na #BidaKapamilya sa SM City Pampanga, kasama sina Vice Ganda, MC, Lassy at Anne Curtis sa mga nag-perform – Hirit…
Vice Ganda binalikan ang naging joke niya noon tungkol kay Jessica Soho
– Sa kanyang vlog, nagbigay ng payo si Vice Ganda sa anak-anakan niyang si Awra Briguela – Ito ay tungkol sa pagpapatawad niya sa sarili sa kabila ng nagawang mali – Ginawang halimbawa ni Vice Ganda ang nagawang mali noon…
Video ng pagbili ni Julia Barretto ng Rolex, kinagiliwan ng netizens
– Dani Barretto’s husband, Xavi Panlilio, recently shared a video that has gone viral – In the video, it shows that his sister-in-law, Julia Barretto bought a Rolex from him – He captioned his post with, “Done deal Thanks for…
Chloe San Jose, napa-react sa ipinost ng “girlfriend ng atleta”
– Chloe San Jose reacted to the lengthy post of FB user Hergie & Lady – The latter titled her post with “Being a partner of an athlete is not easy” – Hergie & Lady enumerated the things that a…
Pamilya ni Chloe San Jose, binahagi ang reaksiyon sa winning moment ni Caloy
– Binahagi ng isang kaanak ni Chloe San Jose ang video ng kanilang reaksiyon sa pagkapanalo ni Carlos Yulo sa Olympics – Napatalon sila at naging emosyonal sa tagumpay ni Carlos – Si Chloe ang supportive girlfriend ng 2-time Olympic…
Jackie Gonzaga, naiyak nang sabihin niya ang linyang “Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na”
– Hindi napigilan na Jackie Gonzaga na maging emosyonal nang isali siya ni Vice Ganda sa kanyang acting challenge – Sa kanilang segment na Expecially For You, natanong ng searcher na si Sam Shoaf kung ano ang masasagot ng searchees…
End of content
No more pages to load