Nadine Lustre tells basher questioning her concern for Typhoon Odette victims in Siargao: “ofcourse Im worried + para kang tanga [emoji]”
PHOTO/S: @nadine on Instagram / Philippine Coast Guard on Facebook
Labis ang pangamba ng actress-singer na si Nadine Lustre para sa Siargao Island, na itinuturing nitong kanyang ikalawang tahanan.
Malaking pinsala ang iniwan ng Typhoon Odette (na may international name na Rai) sa nasabing isla nang mag-landfall ito roon noong Huwebes, December 16, 2021.
Sa dalawang araw na lumipas matapos ang bagyo, unti-unti nang lumalabas ang updates mula sa isla sa social media. Makikita sa litrato ang daan-daang kabahayan at mga gusali na nasira ng bagyo.
Kahapon, December 17, sa pamamagitan ng Twitter, ipinahayag ni Nadine ang kanyang pag-aalala sa mga kaibigan na naninirahan sa isla.
Tweet ni Nadine: “I’ve been frantic all day. my cortisol level hasn’t been this high in ages. I can’t even think straight. Please, let’s all help everyone affected by Typhoon Odette.”
Dagdag niya, “that trip to the airport wasn’t fun either. It was a freakin’ war zone.”
Hindi naman napigilan ni Nadine ang sarili na sagutin ang isang basher na kumuwestiyon sa kanyang pag-aalala sa mga nasalanta ng bagyo sa Siargao.
Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng tweet ng basher ni Nadine na ngayon ay nabura na.
Sabi sa tweet: “Kunwari Typhoon Odette [emoji] Nag Alala lang Yan KY Cristophe [emoji] Bilis maka siargao [emoji].”
Read more about
Nadine Lustre
Typhoon Odette
Siargao
Sa Siargao nakabase ang rumored boyfriend ni Nadine, ang Filipino-French businessman na si Christophe Bariou.
Si Christophe ang founder at managing director ng Maison Bukana, isang luxury boutique resort sa Sitio Lisob, Siargao Island.
Ang sagot ni Nadine: “ofcourse Im worried + para kang tanga [emoji]”
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Vic Sotto’s lawyer ipinaliwanag ang reklamo laban kay Darryl Yap | PEP Interviews
NADINE APPEALS FOR HELP
Umapela rin si Nadine sa kanyang social media followers na magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Typhoon Odette.
Ibinahagi ni Nadine ang donation drive ng Siago Beach Resort sa Siargao at ng For The Future PH, isang non-government youth organization na tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo sa buong bansa.
Nagpasalamat din si Nadine sa kanyang fans, partikular na ang Naddicts na mayroon ding sariling donation drive para sa mga nasalanta ng Typhoon Odette.
Tinatayang aabot sa PHP20 billion ang damages na naiwan ng Typhoon Odette sa Siargao, ayon kay Surigao del Norte Governor Francisco Matugas.