Lubhang ikinalungkot daw ni Vice Ganda ang katakut-takot na panlalait kina Kim Chiu at Coco Martin dahil lang sa nanindigan ang mga ito.Pahayag ni Vice, “Nalungkot ako para sa mga kaibigan ko na nami-misinterpret.”Nalulungkot ako para kay Coco, nalulungkot ako para kay Kim Chiu.”Kasi, parang hindi nila deserve na pagsalitaan…”Siyam na araw na ang lumipas mula nang lumantad sina Kim at Coco para umapelang sana ay mabalik sa ere ang ABS-CBN broadcast operations.Pero hanggang sa kasalukuyan ay viral pa rin sa social media ang mga malisyosong patutsada kina Kim at Coco.Si Coco ay ginawan ng memes kunsaan pinaglaruan ang kanyang lisp, at pinagmukhang katawa-tawa ang quotes niya tungkol sa pagmamalasakit sa home network.Kalat din sa social media ang memes kay Kim na ginawan ng iba’t ibang bersyon ng jingle ang paghahalintulad niya sa pagpapasara sa ABS-CBN sa “Batas ng Classroom.”Apektado raw si Vice dahil nakakabagabag na puno ng galit sa paligid.
“I will not deny the fact na itong mga nakalipas na araw, may mga araw na naiiyak ako.”Nalulungkot ako dahil parang ang daming poot ng mga tao, parang hindi magkaintindihan ang mga tao.”Ang daming galit sa isa’t isa, ayaw magkaunawaan.”
ON ABS-CBN SHUTDOWN
Hindi rin daw maiwasan na mag-alala siya sa lagay ng ABS-CBN.Nagsimulang umaksyon ang Kongreso para mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN, na ang bisa ay hanggang sa October 31.Pero hinihintay pang maisabatas ito.Wala pa rin kasiguraduhan kung maipapasa sa Kongreso ang 25-year franchise ng ABS-CBN.Patuloy ni Vice, “Hindi ako okey na walang ABS-CBN.”Hindi ako okey na walang TV Patrol. Hindi ako okey na walang It’s Showtime, hindi ako okey sa mga nangyayari.”At dahil naramdaman ko na ang daming galit sa paligid, nalungkot ako, so naiyak ako.”Ibinahagi ito ni Vice noong Sabado ng gabi, May 16, sa kanyang Facebook Live na umabot ng halos dalawang oras.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
HOW TO DEAL WITH BASHERS
May bahagi rin ng kanyang video na nagpayo siya kung paano harapin ang mga taong mahilig “manira, insecure, backstabber, at nanghihila pababa.”Paliwanag ni Vice, “Yung mga ganyang tao matitigas ulo niyan. Kahit anong pakiusap mo, ‘nak ng p*ta, hindi makikinig sa ‘yo iyan. Bubuwisitin ka lang lalo niyan.”Kailangan patatagin niyo ang sarili mo.”Hindi natin mako-control ang ibang tao kung paano sila mag-iisip, kung paano nila bubuksan ang mga bunganga nila, at kung paano sila mag-iisip tungkol sa atin.”Ang pinakamabisang pang-inis daw sa detractors ay ang paunlarin ang sariling buhay.”Pagandahin natin nang pagandahin ang buhay natin at saka sarili natin. Nagngingitngit sila diyan.”Pag may magandang nangyayari sa buhay mo, galit na galit sila diyan.”So galitin natin sila sa pamamagitan ng pagpapalawig ng tagumpay sa sarili natin.Diin ni Vice,”Pag masaya tayo, hindi sila masaya.”
STRONG FAITH
Pero sa personal level, nanatiling positibo raw si Vice.
CONTINUE READING BELOW ↓
Hindi raw nawawala ang pag-asa niyang magbabalik ang ABS-CBN, at muling makakapagbigay-saya sa daily noontime show na It’s Showtime.
Kasama na rin daw sa dasal niya ang matigil ang COVID-19 pandemic.”Pero okey naman ako. Nakaka-survive naman.”Kapit na kapit ako sa pananampalataya ko, at kapit na kapit ako sa pag-asa ko na lahat ay magiging okey.”Katulad ng pagsikat ng araw kanina at pagkawala ng ulan.”
News
Coco Martin and Julia Montes Children, Cristy Fermin Has Shocking Claims
Here are the surprising claims of Cristy Fermin about Coco Martin and Julia Montes and their babies. COCO MARTIN AND JULIA MONTES – Showbiz reporter Cristy Fermin makes these revelations about their personal lives. Celebrity couple Coco Martin and Julia…
Shaina Magdayao Says Coco Martin is her Secret Manager, Here’s Why (ch)
Shaina Magdayao is thankful for the support she receives from Coco Martin Kapamilya actress Shaina Magdayao said that actor-director Coco Martin is her secret manager and here is the reason why she said that. Shaina and Coco had the…
IN PHOTOS: Julia Montes with her beautiful Moms
Throughout her almost two decades in the local entertainment scene, Julia Montes has absolutely enthralled us with her impeccable and exceptional portrayal of maternal roles in the some of the series she starred in, with her stint as Mia Agbayani…
KARLA Estrada, may MALAKING UTANG pala kay KATHRYN BERNARDO! MIN BERNARDO NAIMBYERNA kay KARLA
Karla Estrada Owes a Large Debt to Kathryn Bernardo: Bernardo Expresses Disappointment In a surprising revelation, it has come to light that popular Filipino actress Karla Estrada reportedly owes a significant amount of money to her fellow actress, Kathryn Bernardo….
Coco Martin on Julia Montes: “Baby Pa, E” – What Did He Really Mean by This Sweet Comment?
Matapos mapanood sa top-rating primetime series na Walang Hanggan sa ABS-CBN, susubukan naman sa box-office ang tandem nina Coco Martin at Julia Montes. Matapos mapanood sa top-rating primetime series na Walang Hanggan sa ABS-CBN, susubukan naman sa box-office ang tandem nina Coco Martin at…
OMG! JACLYN Jose may lNAMlN kay COCO Martin BAG0 ang PAGPANAW nito!
Sa gitna ng pagdadalamhati dahil sa kamakailang pagpanaw ng isang mahalagang tao sa kanyang buhay, nagbahagi ng emosyonal na pahayag ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose. Bago pa man mangyari ang malungkot na pangyayaring ito, may inamin si Jaclyn…
End of content
No more pages to load