– Hindi napigilan na Jackie Gonzaga na maging emosyonal nang isali siya ni Vice Ganda sa kanyang acting challenge
– Sa kanilang segment na Expecially For You, natanong ng searcher na si Sam Shoaf kung ano ang masasagot ng searchees sa linyang ‘Sorry, may mahal na kong iba’
– Sinubok ni Vice Ganda ang mga husay ng kanyang co-hosts sa actin sa pamamagitan ng pagsabi ng linyang iyon
– Sa halip, iniba ni Jackie ang kanyang sinabi at hindi nito napigilang maiyak na tila ba ramdam na ramdam niya ang sinabi niyang “Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na”
Hindi napigilan ni Jackie Gonzaga na maging emosyonal nang isali siya ni Vice Ganda sa kanyang acting challenge sa segment na “Especially For You” ng kanilang programa. Sa segment na ito, natanong ng searcher na si Sam Shoaf kung ano ang masasagot ng searchees sa linyang ‘Sorry, may mahal na kong iba’.
Jackie Gonzaga, naiyak nang sabihin niya ang linyang “Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na” Source: Youtube
Upang masubok ang husay sa pag-arte ng kanyang mga co-hosts, hinamon ni Vice Ganda sina Jackie at iba pang mga host na sabihin ang linyang iyon nang may damdamin.
Nang dumating na ang pagkakataon ni Jackie, sa halip na sundin ang eksaktong linya, iniba niya ito at sinabing, “Sorry ayoko na, ang sakit-sakit na,” na ikinaiyak niya.
Ang emosyonal na pagganap ni Jackie ay tila ba ramdam na ramdam niya ang bawat salita na kanyang binanggit, dahilan upang maging makabagbag-damdamin ang eksena at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga manonood at kapwa niya host.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It’s Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It’s Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.
Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It’s Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.
News
Vice Ganda dismisses rumors he broke up with Ion Perez: ‘Masaya kami’
Ion Perez and Vice Ganda. Image: screengrab from YouTube/It’s Showtime Vice Ganda shut down rumors that he and his partner Ion Perez have broken up, stating that they recently spent time apart only to keep the “balance” in their relationship….
Vice Ganda reveals how Aga Muhlach played an important role in relationship with Ion
Did you know that It’s Showtime host Vice Ganda is actually friends with veteran actor Aga Muhlach? And we’re able to get a glimpse of their unexpected friendship through the former’s latest vlog, wherein she got to interview the latter about his…
Julia Barretto and Joshua Garcia Spark Kilig Vibes Behind the Scenes of Un/Happy for You
It’s official: JoshLia is back! Screencaps: Star Cinema Just this April, Julia Barretto and Joshua Garcia’s much-awaited reunion movie was announced. JoshLia fans weren’t expecting it, but dreams do come true! Star Cinema even hypes them up with behind-the-scenes glimpses…
Angelica Yulo, welcome sa pagsali sa Mrs. Philippines 2025, ani MPO President Erika Joy Santos
– Angelica Poquiz Yulo, the mother of two-gold Olympic medalist Carlos Yulo, is welcome to join the Mrs. Philippines 2025 beauty pageant – The President of the Mrs. Philippines Organization, Erika Joy Santos, herself made the announcement in a recent…
Vice Ganda, kwelang binanggit si Cristy Fermin sa ‘It’s Showtime’
– Vice Ganda humorously inserted Cristy Fermin’s name on ‘It’s Showtime’ – This happened during the September 11, 2024, episode of their ‘Kalokalike!’ segment – The namedrop happened when Vice asked Kim Chiu to ask the Ariana Grande Kalokalike! contestant…
Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”
– Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kay Anne Curtis matapos umano itong sumingit na mag-perform – Sa kanilang show na #BidaKapamilya sa SM City Pampanga, kasama sina Vice Ganda, MC, Lassy at Anne Curtis sa mga nag-perform – Hirit…
End of content
No more pages to load