Joshua Garcia suddenly posted a photo of Kathryn Bernardo’s close friend
May ugnayan o magkaibigan lang ba sina Joshua Garcia si Trina Guytingco?
Ito ang kilig na usap-usapan ng netizens na nasubaybayan ang mga litrato ng dalawa na kuha sa beach trip ng Nguya Squad sa El Nido, Palawan kamakailan.
Ang Nguya Squad ay ang barkadahang kinabibilangan nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua, Ria Atayde, at Alora Sasam, at ilan pang kapwa nila Kapamilya stars.
Sa beach trip nila kamakailan ay kasama rin sina Zanjoe Marudo, Hyubs Azarcon, at Kyle Echarri.
Pero agaw-pansin ang non-showbiz girl na si Trina, na kilala ng fans bilang best friend ni Kathryn.
Since 2014 ay nakikita kasing nagkaka-bonding sina Trina at Kathryn sa California kunsaan may bahay si Trina.
Si Trina ay point guard ng women’s basketball team sa Ateneo de Manila University. Pareho silang 24 years old ni Joshua.
At nito ngang huling bahagi ng March 2022, agaw-pansin ang paglagay sa Instagram Stories ni Joshua ng solo picture ni Trina.
Sa una ay nakatalikod si Trina sa may tabing-dagat bandang dapit-hapon.
Sinundan pa ito ni Joshua ng ilang profile shots ni Trina habang sakay sila ng boat.
Nire-repost din ni Trina ang mga ito sa kanyang Instagram Stories.
MORE PHOTOS OF JOSHUA AND TRINA
Sa Instagram feed ni Trina, naglagay rin siya ng mala-photo album ng fun moments niya sa beach.
Agaw-pansin rito ang litrato nila ni Joshua at solo picture ng aktor.
Sa hiwalay na post ni Joshua sa Instagram feed nito, mayroon ding group photo kunsaan katabi ni Joshua si Trina at yakap niya ito sa leeg.
NETIZENS’ REACTIONS
Kaya ang mapanuring netizens ay panay ang tukso kina Joshua at Trina na, “Bagay kayo.”
Kinikilig ang netizens at pabor sa posibleng ugnayan ng dalawa.
Kamakailan lang ay tinutukso ng netizens si Joshua sa kaibigan nitong si Ria Atayde.
Pero parehong nilinaw ng dalawa na walang katotohanan ang pag-uugnay sa kanila.