Umaapaw ang pasasalamat ng Filipino-American singer-songwriter and actress na si Olivia Rodrigo sa Pinoy fans niyang tumangkilik at nanood sa kanyang sold-out GUTS World Tour sa bansa.

Olivia Rodrigo donates PH concert proceeds to Jhpiego Philippines

Noong Sabado, October 5, 2024, naganap ang concert ni Olivia sa Philippine Arena sa Bulacan, kunsaan tinatayang 55,000 katao ang dumalo.

Sa Instagram nitong Linggo, October 6, ipinost ni Olivia ang mga kuhang larawan mula sa ilang araw niyang pananatili sa Pilipinas, maging ang personal nitong pagpunta sa headquarters ng Jhpiego Philippines.
Ang kinita ng GUTS concert ni Olivia ay napunta sa Jhpiego via Fund 4 Good.

Ang Jhpiego ay isang nonprofit organization na nangangalaga sa kalusugan ng mga bata at kababaihan sa bansa, lalo na sa underserved at conflict affected areas.

Olivia Rodrigo donates PH concert proceeds to Jhpiego Philippines

Olivia Rodrigo donates PH concert proceeds to Jhpiego Philippines
Mabilis na-sold out ang concert ni Olivia dahil PHP1,500 lang ang inilabas na presyo nito.

Bagsak-presyo o “kababayan rate” kung tawagin ito ng Livies (tawag sa fandom ni Olivia).
OLIVIA DESCRIBES MANILA CONCERT AS “the most special show”
Pangarap noon na ngayon ay natupad kung ituring ni Olivia ang pagpunta at pagtatanghal niya sa Pilipinas.

Ito ang unang beses na pagdalaw ng award-winning singer sa Pilipinas kaya ganoon na lamang ang kanyang saya sa mainit na pagsalubong ng kanyang mga tagahanga.

Mensahe ni Olivia sa kanyang Instagram post (published as is), “been dreaming of this show for a whileeeee. my first time in the Philippines and also my biggest venue ever!!!!!

“thank you to everyone Manila for welcoming me so generously and making me feel so loved and thank you to @americanexpress for making this show happen.”
Halos lahat daw sa Pilipinas ay nagustuhan ni Olivia, kabilang na rito ang napili niyang benepisaryo sa kinita ng kanyang GUTS concert.

Saad niya, “I’m SO stoked that all the net ticket sales from last night could be donated to @jhpiego through my fund 4 good.

“I got to visit the organization while I was in Manila and was so impressed by the work they are doing providing healthcare to women and girls in the Philippines.”

Dagdag pa ni Olivia, “It was the most special show and the most meaningful trip. to say I’m grateful doesn’t even cut it! Mahal kita.”

celebrities spotted at Olivia Rodrigo's GUTS concert in the philippines

celebrities spotted at Olivia’s GUTS concert in the philippines
Samantala, ilang celebrities din ang naispatang dumalo sa concert ni Olivia.

Kabilang sa libu-libong bumiyahe pa-Bulacan para masilayan ang live performances ni Olivia ay ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, kasama ang kanilang panganay na anak na si Zia.

Pagbabahagi ni Marian sa kanyang Instagram post nitong Linggo, October 6, masugid na tagahanga ni Olivia si Zia kaya naman bilang suporta sa kasiyahan ng anak ay sinamahan nila ito ni Dingdong na makapanood ng concert.

Mababasa sa caption ni Marian, kalakip ang video ni Zia na enjoy na enjoy sa concert ni Olivia: “Kung saan ka masaya, Anak, nandito lang kami para suportahan ka! We love you! @oliviarodrigo Salamat pinasaya mo si Ate Zia.”

 

Maging ang aktres na sina Andrea Brillantes at Bea Borres ay hindi rin pinalampas na makita ang live performances ni Olivia.

 

Present din sa GUTS concert sina Alexa Ilacad; Vicki Belo, Hayden Kho, at anak nilang si Scarlet Snow; Sharlene San Pedro; Elijah Canlas; at YouTube vlogger na si Niana Guererro.