Naglabas ng pahayag si Maris Racal kaugnay sa kontrobersiya nila ni Anthony Jennings. Isa sa kanyang mga nilinaw ay ang pag-aakalang hiwalay na rin sina Anthony at dati nitong nobya na si Jam Villanueva. Matatandaang Hunyo pa ng kasalukuyang taon nang maghiwalay umano sina Maris at Rico. Kamakailan, gumawa ng ingay ang pangalan nina Maris at Anthony dahil sa isiniwalat ni Jam Villanueva
Sa inilabas na pahayag ni Maris Racal sa publiko, isa sa mga nilinaw niya ay ang tungkol sa pag-aakalang matagal na ring hiwalay sina Anthony Jennings at ex nitong si Jam Villanueva.
Maris, sa text na pagkumusta kay Jam: “It wasn’t because alam kong sila pa” (Jam Villanueva)Source: Instagram
Matatandaang isa sa mga private messages nina Maris at Anthony, makikita doon ang pagkumusta ng aktres kay Jam.
“It wasn’t because alam kong sila pa, dahil alam kong she was going thru something and he needs to take care of her,” ani Maris nang makita ang ilan umanong crypic post noon ni Jam.
Ilang ulit na nabanggit ni Maris na ilang beses niya umanong tinanong si Anthony kung kailan nito i-aanunsyo ang na single siya at hiwalay na kay Jam. Subalit sinabi ng aktor na humahanap lamang umano siya ng tamang oras.
“Many times I beg for his statement, i beg him to fix things, he said wait he’s waiting for the right moment.”
Hanggang sa lumabas na ang post ni Jam kamakailan kasama ang mga screenshots ng umano’y private messages nina Maris at Anthony.
“When I read it, I was gutted, I was shocked. I’m truly embarrassed. Dahil nakita lahat ng tao ‘yun without my consent-against my will. This is my side and I’ve been reading the screenshots, Du’n ko napagtagpi-tagpi ang lahat. Kaya pala hindi siya maka-release ng statement dahil sila pa pala this whole entire time. I didn’t know. I was in the dark. I had no idea”
Narito ang kabuuan ng kanyang naging emosyonal na pahayag:
Si Mariestella “Maris” Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In.
Samantala, nakilala ang tambalan nilang ‘MaThon’ ni Anthony Jennings sa teleseryeng pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, ang ‘Can’t Buy Me Love’
Kamakailan, naging matunog ang kanyang pangalan matapos na isiwalat di umano ng ex-girlfriend ng ka-love team niyang si Anthony Jennings ang mga private message nila na labis na gumulantang sa publiko.
Kaugnay nito, isang product endorsement na ni Maris ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang partnership sa aktres. Hindi na rin muna isinama umano sa media con ng ‘And the breadwinner is’ sina Maris at Anthony na sinasabing para makaiwas muna na mausisa tungkol sa mainit na isyu. Gayunpaman, isa sa mga proyektong inaasahang mapapanood ang tambalang MaThon ay ang seryeng ‘Incognito’ na ipalalabas sa Enero 2025.