Kuya Kim sa ginawa ni Gerald kay Ai Ai: Kung sasaktan mo ‘ko, harapan tayo

Kuya Kim sa ginawa ni Gerald kay Ai Ai: Kung sasaktan mo ‘ko, harapan tayo

Kuya Kim sa ginawa ni Gerald kay Ai Ai: Kung sasaktan mo 'ko, harapan tayo

“MALI ‘yan, dapat naman ay face to face,” ang diretsahang pahayag ni Kim Atienza sa naisip na paraan ni Gerald Sibayan para hiwalayan ang kanyang asawang Ai Ai delas Alas.

Hindi pabor ang Kapuso TV host at tinaguriang Trivia Master sa ginawang pakikipaghiwalay ni Gerald kay Ai Ai sa pamamagitan lamang ng chat.

Sa pakikipagchikahan ni Kuya Kim sa King of Talk na si Boy Abunda, sinabi nitong kinokontra niya ang naging style ni Gerald sa pang-iiwan sa Comedy Queen na nakasama niya nang mahigit 10 taon.

“Mali ‘yan, dapat naman ay face to face. Napakasakit, kapag chat o text mas masakit, eh. Wala kang makitang emotion,” simulang pahayag ni Kuya Kim.

Aniya pa, “Minsan kapag sinasabi du’n sa text, that’s magnified, 10, 20, 30 times more dahil hindi mo nakikita ang mukha sa pagsasabi.

“Kung sasaktan mo ako, saktan mo ako nang magkaharapan tayo at magkaalaman tayo.

“Kung ite-text mo sa akin, mas masakit ‘yon. At ang feeling mo talagang nababastos ka, mali ‘yun,” ang esplika pa ng TV host kay Tito Boy.

Ipinunto pa ni Kuya Kim na may epekto talaga ang agwat ng edad sa pagsasama ng mag-asawa at posibleng isa ito sa mga dahilan kung bakit biglang tinapos ni Gerald ang love story nila ni Ai Ai.

“Age matters, age will always matter. Kung mas matanda ang lalaki, mas ideal. Normally mas stable na ‘yung lalaki.

“Kapag matanda ang babae at mas bata naman ang lalaki, may mga pangangailangan ang lalaki na hindi maibibigay ng babae lalo na physically. So age matters.

“But what is more important than the age is commitment. Kung mayroong discrepancy sa age, mas matinding commitment ang kailangan ng pareho to make it work.

Ai-Ai delas Alas confirms separation from husband

“It will always work but with a certain degree of difficulty because of age,” ang dagdag na paliwanag ng host ng Kapuso show na “Ang Dami Mong Alam, Kuya Kim.”

Dagdag pa ng TV host, mahalaga rin sa isang pagsasama ng mag-asawa ang pagkakaroon ng anak para mas tumagal pa ang relasyon.

“Napakahalaga para sa akin because love comes and goes, eh. Time will come that one will stay and that relationship will not be as ideal, pero kapag may anak, you are forced to make it work.

“Because marriage is commitment, marriage is a choice eh. Kapag may anak ka, it’s easier to stay. Meron kang pinanghahawakan, ipinaglalaban, ‘yung anak mo.

“Kapag wala kang anak, kapag umabot du’n sa punto na medyo malabo, bibigay. A lot of marriages stay intact because of the kids. And then eventually, they’ll fall in love again,” ang paniniwala pa ni Kuya Kim.

Sabi naman ni Tito Boy, “Some people would say, ‘Don’t stay in a relationship just because of the children.’”

Reaksyon ni Kuya Kim, “I believe that you should stay in the relationship for the children, and then, if you have to choose to love your wife or your husband even if it’s difficult, then, choose to do so. Love is a choice, you can choose to love someone.

“Now, it’s easier to choose to love someone who’s beautiful inside and out, but it’s really hard to love someone na medyo pangit ang ugali. But if you choose to love that person, then it will work,” dagdag pa niya.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News