Nakikipag-ugnayan ngayon ang pamunuan ng Bonifacio Global City (BGC), Taguig, sa Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng viral video ng isang “social media influencer.”
Tila sinadya kasi nitong baybayin nang pasalungat ang one-way street sa 7th Avenue.
Sa video na in-upload ng “social media influencer,” matutukoy na hindi siya nag-iisa sa loob ng kotse.
Bukod sa driver, may taong nakaupo sa passenger seat at siya rin ang kumuha ng video.
Base rin sa mga boses na maririnig, may mga nakaupo sa likod ng kotse.
Ang parte na naging kontrobersiyal ay nang magtalo ang grupo kung kakaliwa ba sila mula sa binabagtas nilang 28th Street.
Sabi ng pasahero: “Puwede bang kumaliwa diyan? Baka…
Giit ng driver, “Puwede.”
“Bawal mahuhuli tayo,” pahabol ng pasahero. “Uy, one way ata.”
Pero sagot ng driver, “Puwede. Basta ako…”
One-way street nga ang kanilang pinasok at counter flow ang kanilang sasakyan, kaya pinara sila ng isang traffic enforcer.
Nang hinihintay ang paglapit ng enforcer, maririnig ang grupo sa loob na nagtatalo kung ano ang idadahilan nila.
Nagkaisa sila sa sasabihing dahilan: sinunod lang daw kasi nila ang direction ng Waze.
Nang ibaba ang car window ng driver, maririnig ang enforcer na sinabihan silang one-way ang kanilang pinasok.
Maririnig ang pangangatwiran ng grupo na naliligaw sila at hindi nila kabisado ang daan kaya sumusunod lamang sila sa driving directions app.
Maririnig ding nag-escalate ang diskusiyon nila sa traffic enforcer, at nagmamagitas silang ang may kasalanan ay ang Waze.
May binanggit pang anak ng pulitiko ang driver.
Binigyan umano ng ordinance violation ticket ang grupo, ulat ng GMA Integrated News, October 9, 2024.
Ang video ay nakunan daw noon pang September 23, 2024, pero hot topic pa rin hanggang ngayon sa social media.
Hindi na rin pinangalanan ang “social media influencer”.
Ang panibagong update sa report ay nakikipag-ugnayan na ang security team ng BGC sa LTO ukol sa ipapatupad na parusa.
NETIZENS STRESS THE VIOLATION WAS INTENTIONAL
Maraming netizens ang nagalit sa ginawa ng content creator.
May mga nagsabi ring ipinost ng “social media influencer” ang video sa kanyang TikTok account pero in-off ang comment section.
At giit nila, sinadya talagang pasukin ng grupo ang one-way street kaya dapat parusahan ng LTO.
Sapat daw bilang ebidensiya ang kuhang video.
(Note: All comments are published as is.)
Isa sa mga komento: “This was deliberate. Ticket issuance is not enough. SET A DAMN EXAMPLE”
Obserbasyon ng isa pa: “Intentional. DAPAT DYAN TANGGALAN NG LINSENSYA FOR LIFE !!!”
INFLUENCER SETTING BAD EXAMPLE
May mga nagsabing hindi magandang example ang ginawa ng “social media influencer” at ng kanyang mga kaibigan.
Pagsang-ayon ng isa, “bad influence kung for content nila ginawa ito. LTO license is not for ‘joke’ use.”
Komento ng isa pa, “Delikado yang ginawa nila. Dapat diyan cancel driver’s license for good. Privilege ang driver’s license it’s not a right.”
Banat ng isa, marami ngayong nagpapakilalang social media influencers ang nagiging bad examples.
Sabi nito, “Many so-called ‘influencers’ today are setting harmful examples for their followers by promoting negative behavior or unrealistic lifestyles.
“Instead of using their platforms responsibly, they often prioritize personal gain over genuinely helping or inspiring others.”
News
Kobe Paras How Could He Miss These Amazing Photos By Kyline Alcantara
Kyline Alcantara looks picture-perfect in this ensemble! Sparkle star Kyline Alcantara looks fashionably chic in luxury sports wear as she posed for local fashion magazine L’Officiel Philippines. Last Thursday, October 10, L’Officiel Philippines posted photos of Kyline wearing Lacoste. The…
Kyline Alcantara shares she feels tired of people paying attention to her love life instead of her career
Kyline Alcantara said “Mind your business” and we’re here for it. Whether it’s the 1960s or the 2020s, people can’t seem to stop talking about celebrities’ dating life. While they are public figures and it comes with the territory, the…
“Kiss and Makeup”: Kyline Alcantara and Sarah Lahbati were discovered to be still close to each other
Kyline Alcantara and Sarah Lahbati recently bonded at the latter’s birthday party amid a reported falling out after they unfollowed one another on Instagram. Kyline Alcantara, Sarah Lahbati chummy despite recent unfollowing on Instagram. Images: Instagram/@sarahlahbati, Tiktok/@chuubbzz25 In a video…
Netizens suspect Kyline Alcantara and Sarah Lahbati stopped being friends
Netizens Speculate on Rift Between Kyline Alcantara and Sarah Lahbati Over Kobe Paras The entertainment world has been buzzing with rumors about a supposed fallout between two prominent personalities, Kyline Alcantara and Sarah Lahbati, and the cause of this tension…
KC Concepcion appears to be dating ex-boyfriend Aly Borromeo
Nag-reconnect ba si KC Concepcion at ex-boyfriend na si Aly Borromeo? Read: KC Concepcion “kilig to the bones” with rumored boyfriend Aly Borromeo Kagabi, October 7, 2024, ibinahagi ni KC sa Instagram followers na dumalo siya sa Azkals Celebrity Cup…
After the breakup, Nico Locco turned to accuse his ex-lover Christine Bermas
“She’s not an angel, in many ways.” Ito ang makahulugang pahayag ni Nico Locco nang usisain siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magsalita tungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend na si Christine Bermas. Hindi…
End of content
No more pages to load