– Viral ang kwento ng isang babae sa TikTok dahil sa kanyang ginawa para sa kanyang dating kasintahan

– Napagpasyahan niyang ibigay ang isa niyang kidney sa noo’y karelasyon na sumasailalim sa dialysis dahil mahina na ang kanyang kidney

– Gayunpaman matapos niyang ma-idonate ang isa niyang kidney, napag-alaman niyang nagtaksil ito sa kanya

– Sinubukan niya umanong bigyan pa ng pagkakataon ang kanilang relasyon ngunit kinalaunan ay iniwan siya ng lalaki

Agad na tumabo sa milyon-milyon ang views ng TikTok videos ng isang babaeng nagngangalang Colleen matapos niyang ibahagi ang kanyang karanasan matapos niyang mag-donate ng kidney sa kanyang dating karelasyon. Ayaw niya umanong makitang mamatay ang boyfriend na mayroong chronic kidney disease.

Babae, nag-donate ng kidney sa boyfriend niyang kainalaunan ay iniwan siya

Bumuhos ang mensahe ng pagsuporta kay Colleen matapos niyang ibahagi ang kanyang kwento (TikTok/Colleen Le) Source: Instagram

Matapos niyang magpasuri ay nalaman niyang match siya para mag-donor at hindi nag-atubiling ibigay ang isang kidney niya.

Ilang buwan lamang matapos ang kanilang matagumpay na operasyon, nagtapat ang kanyang boyfriend sa kanyang nagawang pagkakamali nang minsan ay dumalo siya sa isang party.

Binigyan pa rin umano niya ng pagkakataon ang kanyang ex ngunit naging madalas ang kanilang pag-aaway hanggang sa tuluyan na siyang iniwan nito.

@colleeeniie

Everything happens for a reason 😬 #fyp #foryoupage #foryourpage

#fypシ #kidneydonation #kidneydonor #relationshipgoals #relationships

♬ original sound – boiwhatdahelllboi1

Hindi na daw sinagot ang kanyang mga tawag at text at naka-block na rin siya sa mga social media accounts nito.

Gayunpaman, sa isang video na binahagi sa BuzzFeedVideo YouTube channel, sinabi niyang hindi niya naman pinagsisihan ang pag-donate niya ng kanyang kidney.

@colleeeniie

Reply to @wondergal28 If you’re interested in a story time, let me know in the comments!✨#greenscreen #relationship #lovestory #fyp #foryoupage

♬ original sound – Steven Galloway

Sa kabila umano ng trauma at kabiguang kanyang pinagdaanan, napabuti naman ang kanyang buhay. Sa kasalukuyan ay masaya umano siya sa kanyang boyfriend at wala siyang sama ng loob sa dating karelasyon.

Sa pagdami ng mga taong gumagamit ng internet at mga social media apps, mas madali ang pakikipag-ugnayan ng bawat isa hindi lamang sa isang bansa kundi sa buong mundo. Sa katunayan, mas mabilis lumaganap ang mga balita dahil sa social media.

Sa kasalukuyan, isa sa pinakapinag-uusapang pangyayari ay ang nagaganap na kaguluhan sa Ukraine na nagbabadya ng panganib sa buong mundo pag hindi maagapang maayos. Matatandaang bumoto ang Pilipinas sa pagkondena sa invasion ng Russia sa Ukraine.

Naging usap-usapan din ang isang video ng reporter na napahinto sa pag-uulat dahil tinulungan nito ang isang lumilikas na Ukrainian.