JIMMY SANTOS, IPINALIWANAG KUNG BAKIT NGA BA NAPILI NIYA NA SUBUKAN ANG TRABAHO NG MGA ORDINARYONG PILIPINO SA KANYANG MGA VLOG.

Marami ang nabigla ng magsilabasan sa social media ang mga balita na umano’y naghihirap na ang dating Eat Bulaga host na si Jimmy Santos.

Sa mga nasabing video ay makikita si Jimmy na ginagawa ang trabaho bilang isang construction worker, mag-uuling, at nakita rin itong nangangalakal ng mga bote at lata.

Ngunit nilinaw ni Jimmy na hindi siya naghihirap at parte lamang ng kanyang vlog ang kanyang mga ginagawa.

Noong tanungin siya kung bakit nga ba niya napili na subukan ang mabibigat na trabaho na kadalasang ginagawa ng mga ordinaryong Pilipino, sinabi ni Jimmy na gusto niya lamang magbigay ng aral sa mga manonood.

Sinisigurado ni Jimmy na ang mga ilalabas niyang content ay kapupulutan ng aral.

“Shine-share ko lang yung kaunting kaalaman ko at kung mga naikukwento sa kin yung tungkol dito sa Pampanga,” ani Jimmy.

“Ang pagba-vlog, hindi basta ganun lang eh. Kailangan meron ding sense at kailangang kapulutan ng aral. Ang kaalaman, walang katapusan,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay retirado na si Jimmy matapos siyang umalis sa Eat Bulaga.

Ngunit paminsan-minsan ay bumibista parin ito sa kanyang mga Dabarkads sa mga espesyal na okasyon.

May be an image of 3 people, slow loris and text