š“AMA ni LIZA SOBERANO, NAGBANTA at PINAG-MUMURA sina OGIE DIAZ at CRSITY FERMIN!š“”SUMUSOBRA NA KAYO!
Ogie Diaz fires back at Liza Soberano’s father for cursing, belittling his pastĀ
Hindi pinalampas niĀ Ogie DiazĀ ang panlalait, pagmumura, at paninira umano sa kanya ng ama niĀ Liza SoberanoĀ na si John.
Si Ogie ang dating talent manager ni Liza.
Kuwento ni Ogie sa vlog niya sa YouTube nitong Miyerkules, December 6, 2023, marami siyang kakilala at kaibigan na nag-send sa kanya ng screenshots sa sunud-sunod na posts ni John sa Facebook noong December 2.
Sa post, galit na galit ang ama ni Liza kina Ogie at Cristy Fermin dahil sa pakikialam daw ng mga ito sa buhay ng iba, kabilang na sa personal na buhay ng kanyang anak.
Mababasa sa post ni John, base sa ibinahaging screenshot ni Ogie: “Cristy Fermin pot*ng*na mo at pot*ng*na niyong lahat na nakikialam sa may buhay nang [may] buhay…lalo na ikaw OG…mabait pa anak ko ganyan mag salita.
“bukas may live akong gagawin or sasabihin about you…You all woke up the BEAST..[angry face emojis].”
Sa hiwalay na post, binalikan din ni John ang nakaraan ni Ogie nang hindi pa ito artista.
Aniya (published as is), “OG D…bumalik ka lang ng pagtinda ng turon para yang bunganga mo hindi putak ng putak about other people’s business…ang isigaw mo na lang is TURON LUMPIA. di ba jan ka rin nag umpisa?”
Hindi naman ito pinalampas ni Ogie.
Hindi raw tama na ipagwalang-kibo lang niya ito lalo na’t wala siyang alam na kasalanan o atraso sa ama ng dati niyang alagang si Liza.
Matagal na panahong naging manager ni Liza si Ogie noong nasa pangangalaga pa lamang ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, ang aktres.
Noong June 2022, pumirma ng kontrata si Liza sa Careless Music, ang music label at management company na pagmamay-ari ng singer-actor na si James Reid.