Ai Ai delas Alas iniwan ng asawa dahil sa 3rd party: Nag-cheat na noon

Ai Ai delas Alas iniwan ng asawa dahil sa 3rd party: Nag-cheat na noon

Gerald Sibayan at Ai Ai delas Alas

RAMDAM ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na may ibang babae ang nakahiwalay na asawang si Gerald Sibayan.

Ni-reveal ng Kapuso star na nag-cheat na sa kanya noon si Gerald kaya hindi na raw siya magtataka kung may natagpuang iba ang mister kaya nakipaghiwalay sa kanya.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, kinumpirma na nga ni Ai Ai na nakipaghiwalay na sa kanya si Gerald sa pamamagitan lamang ng mensahe sa chat.

“Last month pa, basta, hindi ko makakalimutan, October 14, nag-chat siya, madaling araw na dito sa Pilipinas.

“Nag-chat siya na yun nga, gusto na niyang magkaanak and hindi na siya happy. Medyo confused ako and shocked. Bakit ngayong oras na ‘to? Bakit? Sana hintayin mo muna akong makauwi sa Amerika? Maraming bakit. Na-confuse ako na…in fairness, wala naman talaga kaming pinag-aawayan.
“Actually, sa buong pagsasama namin, bilang sa daliri yung… discussion nga, e, hindi nga yung away, e. So, parang nagulat nga ako na why ngayon? Anong meron sa October? Anong meron sa araw na ‘to and bakit madaling araw dito?” ang takang-takang tanong ni Ai Ai.

Sumunod na tanong ni Tito Boy kay Ai Ai, “Hindi na siya masaya, saan nanggagaling?”

“Actually, hindi ko alam. Sabi ko nga sa yo, never naman kaming nag-away. Always discussion lang at bihirang-bihira yun. O, siguro, baka hindi ko lang napapansin dahil nandito ako (sa Pilipinas), siya naman, busy sa work,” paliwanag ng komedyana.

Sunod na question ng King of Talk kung may third party involved, tugon ni Ai Ai, “Bilang asawa, di ba ang mga asawa malalakas ang (pakiramdam)? Ako, ramdam ko meron. Ramdam ko. Gut feel.

“Pero it doesn’t matter kung meron o wala. Kasi nu’ng sinabi niya na firm na siya sa decision, wala na naman akong ilalaban, di ba?

“Kapag lumaban pa kasi ako, kunyari nag-stay ako, alam ko naman ang magiging ending. Yung dignity at self-worth ko, mawawala na yun.

“Nagtira naman ako kasi alam ko na mangyayari uli yon. Kasi nu’ng 2019, nag-cheat na rin siya noon,” katwiran ni Ai Ai.

“So, parang may trust issues na ako. At siguro, isa yon sa minsan hindi ko alam na pagtalak ko sa kanya. O, minsan yung hindi naman mahigpit, pero yung tanong na, ‘Nasaan ka na? Sabi mo, 12 midnight nandito ka na,’” dugtong ng veteran aktres.

Never din daw siyang humingi ng paliwanag kay Gerald kung bakit hindi na ito masaya sa relasyon nila, “Hindi ko na itinanong. Sa totoo lang, hindi naman sa nag-aano ako na, ‘O ikaw na yung magaling.’

“Tinray ko naman ang lahat ng gusto niya, like gusto niya palagi akong nagluluto, so nagluluto ako. Gusto niya malinis ang bahay. Kumbaga, tinray ko naman ang lahat ng best ko.


“So, nu’ng sinabi niya yun…hindi naman puwedeng kapag gusto niyang maging masaya, tumambling na lang ako every day. Ano pa ba ang hindi ko ginawa, e, parang nagawa ko na lahat.

“Siguro nag-iba na yung priorities niya tapos baka nakakita siya ng mas magiging masaya siya, kaya malaking factor din yun.

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam na niya ngayon how to fly. Parang kasi dati, ako yung nagmamaniobra, kasi ako talaga yung medyo matanda sa kanya. So ngayon, meron na siyang karapatan to fly, nagwo-work na siya. Nandoon na siya sa Amerika,” pagbabahagi pa ng komedyana.

Ikinasal sina Ai Ai at Gerald noong December, 2017 sa Christ the King Parish sa Green Meadows, Quezon City. Nagkaroon din sila ng renewal of vows makalipas ang limang taong pagsasama.