Ai Ai hiniwalayan ni Gerald sa chat, gusto nang mag-baby, hindi na happyAi Ai hiniwalayan ni Gerald sa chat, gusto nang mag-baby, hindi na happy

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

KUMPIRMADO! Totoo ngang hiniwalayan ni Gerald Sibayan ang asawang si Ai Ai delas Alas sa pamamagitan lamang ng mensahe sa chat.

Rebelasyon ng Comedy Queen sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” ngayong araw, na-shock siya nang mabasa ang message ng kanyang asawa na nakikipaghiwalay na nga sa kanya.

Nangyari raw ito noong madaling-araw ng October 14, 2024, habang narito si Ai Ai sa Pilipinas at nasa Amerika si Gerald. Nu’ng una ay hindi pa naniniwala ang komedyana pero sa huli ay nalaman niyang seryoso ang nakahiwalay na mister.

Ang rason daw ni Gerald, nais nitong magkaroon ng anak at hindi na masaya sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa na tumagal din ng halos pitong taon.

Kuwento ni Ai Ai na nagdiriwang ngayong Lunes, November 11, ng kanyang 60th birthday, mula nang makipaghiwalay si Gerald sa kanya ay hindi na sila nagkausap at nagkita.

Sa simulang bahagi ng panayam ni Tito Boy ay kinumusta muna niya ang komedyana, sagot ni Ai Ai, “Yun na nga, ama, fighting! Lumalaban and super nagdarasal, and kinakaya ang mga pagsubok.”

Kasunod nito, nagkuwento na nga siya about the breakup, “Last month pa, basta, hindi ko makakalimutan, October 14, nag-chat siya, madaling araw na dito sa Pilipinas.

“Nag-chat siya na yun nga, gusto na niyang magkaanak and hindi na siya happy. Medyo confused ako and shocked. Bakit ngayong oras na ‘to? Bakit? Sana hintayin mo muna akong makauwi sa Amerika? Maraming bakit. Na-confuse ako na…in fairness, wala naman talaga kaming pinag-aawayan.

“Actually, sa buong pagsasama namin, bilang sa daliri yung… discussion nga, e, hindi nga yung away, e. So, parang nagulat nga ako na why ngayon? Anong meron sa October? Anong meron sa araw na ‘to and bakit madaling araw dito?

“Siyempre, ang hirap magbasa. Siyempre, bukod sa shocking, hindi mo naman makikita yun kasi, siyempre, tulog ka pa, ‘May sasabihin ako sa ‘yo,’ blah-blah!” sabi pa niya.

Patuloy pa ni Ai Ai, “Bukod sa initial reaction ko na parang okay na sa akin. Tapos noong nag-sink in na sa akin, noong umaga na, siyempre, ang initial reaction ng asawa, natural yun na, siyempre, nagalit ka.

“Nagalit muna ako. Ayun, sini-sink in ko muna ang lahat na parang, ‘Ano ba ‘tong nangyayari? Ito na ba yun?’” nagtatakang tanong ng aktres.

Patuloy pa ni Ai Ai, “Actually, nu’ng nagpakasal ako kay Gerald, nire-ready ko naman ang sarili ko sa ganitong magiging sitwasyon. Kasi alam ko na bata pa si Gerald. Baka magbago yung isip.

“Pero alam mo yung, ‘Sana huwag. Sana totoong may forever. Sana binigyan talaga ako ni Lord ng pagkakataon na magkaroon ng maganda, matagal na pag-aasawa.’

“So, nagulat ako na ‘Ah ngayon na pala yon.’ Akala ko, kapag 35 years old na siya (makikipaghiwalay). Ito na pala yun.

Ai Ai pwedeng-pwedeng gantihan si Gerald: Husband ko pa rin siya

“Hindi na ako nakipag-usap kasi yung messages namin, parang wala nang pag-uusapan pa. Nasabi na niya na ‘Ito na yung firm decision ko,’” dugtong ng komedyana.

Nagtatampo si Ai Ai kay Gerald dahil sa sinabi nitong hindi na masaya sa pagsasama nila at gusto nang magkaanak.

“The word is tampo. Kasi alam naman niya na bago niya ako pakasalan, hindi na ako magkakaanak, but I really tried my best. Meron kaming in vitro (fertilization). Kahit mahina yung eggs ko, tina-try ko na mag-IVF.

“And then, meron kaming tatlong embryo, may name yun, sina Graine at Gale, at meron pa kaming isa, si Gold. Meron pa kaming isang embryo,” ani Ai Ai na nagsimula nang maiyak.

“Sabi ko sa kanya, kapag nagkapera kami, isu-surprise ko sana siya na ilalagay ko yung baby para meron kaming anak. Para magkaroon kami ng baby.

“Siguro yun ang nag-trigger sa kanya na ayaw niya ng surprise na bibigyan ko siya ng baby. Kasi, di ba, may isa pa kaming embryo, si Gold?

“Pero sinabi niya na nasasaktan siya na nawala yung dalawa naming baby. Sabi ko pa nga sa kanya, ‘May isa pa tayo, si Gold. Anak mo rin yon. Yun ang i-try natin’, pero ayaw niya,” sabi ng aktres.