Ai Ai may artistang nakaaway at ayaw nang makatrabaho, sino kaya?

Ai Ai may artistang nakaaway at ayaw nang makatrabaho, sino kaya?

Ai Ai delas Alas

SUMABAK sa hot seat ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas kung saan binato siya ng mga maiintriga at kontrobersyal na tanong.

Si Ai Ai ang special guest sa nakaraang episode ng “Lutong Bahay” hosted by Mikee Quintos kung saan nakasama rin niya ang anak ng aktor na si Sancho Vito.

Sa isang bahagi ng programa ay sumalang nga siya sa “Kitchen-Terrogate” segment kung saan tinanong siya kung sinong artista na nakaaway niya.

Dito, pipili si Ai Ai sa mga maliliit na kaldero na nasa kanyang harapan ma may mga laman sa loob bago niya sagutin ang tanong. Kung ayaw niyang sagutin ang question, kailangan niyang kainin ang laman nito.

Ang first question sa judge ng “The Clash” ay kung may “naka-clash” o nakaaway na ba siyang artista na ayaw na niyang makatrabaho ever.

Nag-isip muna ang komedyana saka nilafang ang lamang ubas na napili niyang kaldero. Ang natatawang dialogue ni Ai Ai, “Ayokong may kaaway.”

Sundot na tanong ni Mikee kay Ai Ai, sino sa mga baguhang artista na nakatrabaho na niya ang may attitude. Nag-isip muna si Ai Ai sabay sabing, “In fairness kasi sa GMA mababait ang mga artista. Wala akong masasabi.”

Sumingit naman si Sancho sa usapan na matagal na ring nag-aartista at sinabing isa raw sa kabilin-bilinan sa kanya ng kanyang nanay nang pumasok siya sa showbiz ay magpapakilala at rumespeto sa mga senior actors.

Sey ni Ai Ai, “Huwag kang mag-feeling.” Na sinundan ni Sancho ng, “Never mong i-expect na kilala ka nila.”

Dugtong pa ni Ai Ai, isa pa sa sukatan niya na mabait at marespeto ang isang tao kung nananatili pa rin itong humble at grounded kahit sikat na.

At sa tanong kung apektado pa rin ba siya sa mga pamba-bash ng mga netizens sa social media tulad ng naranasan niya noong may sinuportahan siyang kandidato sa politika.

Sagot ng komedyana, hindi na siya nagpapaapekto sa mga bashers at haters at hindi na rin siya nagbabasa ng mga hate comments sa socmed.

AiAi Delas Alas, tinanong kung may artistang nakaaway at ayaw nang makatrabaho | Balitambayan