AJ Raval to boyfriend Aljur Abrenica: “Mahal ka ng Panginoon…”

AJ Raval to boyfriend Aljur Abrenica: “Mahal ka ng Panginoon…”

AJ Raval shows support for boyfriend Aljur Abrenica

Labis na suporta ang ipinaramdam ni AJ Raval sa nobyong si Aljur Abrenica matapos mag-post ang aktor ng saloobin kung gaano siya kasuwerte sa nobya.

Noong October 4, 2024, nagbahagi si Aljur ng madamdaming mensahe para kay AJ kahit wala namang masasabing espesyal na okasyon.

Sa mensahe, nagpasalamat si Aljur sa girlfriend dahil sa pagtanggap nito sa kanya.

Aj on PEP.ph

Hindi rin daw matatawaran ang “unconditional love” ni AJ sa kanya.

May saliw ng kantang “Beautiful Things” ng American singer at songwriter na si Benson Boone ang post ni Aljur.

Buong mensahe niya, “Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough.

“I’m so grateful to have you by my side, celebrating our beautiful journey together”

AJ Raval comments on Aljur's post

Ayon pa sa isang komento ni AJ, malapit sa Diyos si Aljur.

Kaya kahit daw anong pang-aalipusta o batikos ang natatanggap nito, hindi nito naiisip “gumanti at magsabi ng totoo.”

Saad niya (published as is), “Alam ko kung gaano ka kalapit sa pangiinoon at saksi ako doon.. lagi mong pinag papaliban sa panginoon kaya kahit kailan hindi mo naisipan gumanti at magsabi ng totoo…”

AJ Raval comments on Aljur's post

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News