Alyssa Valdez may bagong nagpapatibok ng puso? – LA

Alyssa Valdez may bagong nagpapatibok ng puso?

Alyssa Valdez may bagong nagpapatibok ng puso?

TRULILI nga ba ang mga kumakalat na hima na diumano’y may bago nang nagpapakilig sa puso ng timaguriang “Phenom of Philippine Volleyball” na si Alyssa Valdez?

Sa naging episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, November 19, ay tinukso siya sa Japanese volleyball player ba si Ran Takahashi.

Puro naman magagandang papuri ang nasabi ni

Alyssa tungkol kay Ran.

“He’s super nice, good looking, plays well as well,” saad ng dalaga.

Naging maingay rin ang pangalan ng Japanese volleyball player dahil marami ang nakapansin sa galing at kapogian nito noong sumali sa 2024 Paris Olympics.

Amin ni Alyssa, nagkaroon na sila ng pagkakataon na makapag-usap noong dumalaw ito sa Manila.

Matatandaang nasa Piilipinas si Ran noong June para sa nagdaang Volleyball Nations League (VNL).

“I think one thing kaya din very interactive ‘yong conversation namin because back then during that time kailangan niya agad bumalik ng Japan, and he wanted to show his love for all the fans kasi hindi niya po natapos ‘yung mga games niya dito sa Manila,” sey ni Alyssa.

Puso ni Alyssa Valdez, may bagong kinakikiligan?-Balita

Hindi naman napigilang intrigahin ni Boy ang dalaga kung may “spark” ba sa pagitan nila ng Japanese athlete pero tanging ngiti lang ang sagot ng dalaga.

Nang tanungin naman kung may bagong nagpapakilig sa kanya, umamin si Alyssa at sinabing, “Guilty”.

Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens ang mag-isip kung si Ran na nga ba ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso.

Matatandaang noong 2022 nang tuluyan nang maghiwalay si Alyssa at ang ex-boyfriend nitong si Kiefer Ravena.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News