Bea Alonzo luma-lovelife na, may dyowang non-showbiz guy?

Bea Alonzo luma-lovelife na, may dyowang non-showbiz guy?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang kumakalat na larawan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo kasama ang isang lalaki.

Nag-trending sa website ng Reddit ang screenshot ng ini-repost ng aktres na larawan kasama ang isang non-showbiz guy na nagngangalang “Joset”.

Hindi masyadong kita ang mukha ni Bea dahil natatakpan ito ng kanyang braso habang tila nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ng lalaki.

Nang tignan namin ang Instagram page ng nagngangalang Joset ay makikitang may selfie rin sila ng aktres at uploaded ito noong October 13 kung saan kita na ang mukha ng aktres.

Kung titignan ay tila kuha ang larawan ni Bea at Joset sa isang bar.

Naka-like rin ang aktres sa naturang post na tanging emoji lang ang caption.

Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens ang maintriga kung ano ang namamagitan kina Bea at “Joset” dahil tila close ito sa isa’t-isa.

May ilan na nag-iisip kung friends lang na or may “something” na namamagitan sa dalawa.

“They are giving tropa vibes. I doubt din naman na if ever nagdedate talaga sila ipost agad ni Bea ng ganyan. Usually if something is really going on romatically, nagpapamysterious pa ang nga celeb,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “I mean naintriga sa dati si Bea dun sa Michael Needham and spotted naman talaga sila together pero never syang nagpost ng photos nila, so iyon parang totoong something is up.”

“Parang it’s giving mag-sisters at mag-bff lang charing,” hirit naman ng isa.

May ilan naman sa mga netizens ang idinikit ang paglabas ng mga larawan nina Bea at ng non-showbiz guy sa naging viral video ng ex-boyfriend niyang si Dominic Roque kung saan naghalikan umano sila ni Sue Ramirez.

“Si Bea talaga yung ex na ayaw pakabog, dapat laging may pasabog,” sey ng isa.

Matatandaang marami ang na-shookt matapos mapanood ang video nina Dominic at Sue na naghalikan sa isang bar sa Siargao.

Marami sa mga netizens ang naniniwalang sila ang nasa video dahil na rin ang kanilang mga recent Instagram updates ay kuha mula sa Siargao.

Matapos mag-viral ay naglabas na rin ng pahayag ang dating karelasyon ni Sue na si Victorias City Mayor Javi Benitez kung saan kinumpirma nito na apat na buwan na silang hiwalay ng aktres.

Samantala, wala pa namang paglilinaw si Bea hinggil sa chikang kumakat sa diumano’y bagong nagpapatibok ng kanyang puso.