Dasuri natuwa pa nang madamay sa MavLine breakup: Parang ang ganda ko
Iyun daw ang first reaction niya nang bumalandra sa mga diyaryo at online entertainment sites na siya ang dahilan kung bakit nawasak ang relasyon ng former Kapuso couple.
Sa guesting ni Dasuri sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, kasama ang kanyang BFF na si Valeen Montenegro, nahilingan siyang magsayaw on national TV para Dasuri para kay Mavy.
Pagkatapos humataw ng dalaga, natanong siya ni Tito Boy kung bakit siya nadamay sa MavLine breakup at totoo bang siya ang dahilan ng hiwalayan.
“Alam n’yo po ba, ang reaksyon ko noong una natutuwa ako dahil, ‘Hala! Pumasok pa ako! Ibig sabihin available pa ako. I mean, parang ang ganda-ganda ko? Bagets pa ‘yung ano!’
“Guys, thank you so much!” ang natatawang tugon ni Dasuri Choi.
Matatandaang noong February, mariin nang pinabulaanan ng South Korean social media personality na never siyang naging third party at hindi totoo ang mga akusasyon sa kanya na “ahas”, “homewrecker” at “other woman.”
“I think they’re talking about the issue from late last year. So, I’m officially saying I’m not the third party, okay?
“I will never try to be a third party in my life because I didn’t grow up like that. I was raised by my parents na super, super, super bait. Wala talagang mangyayari sa ‘kin na maging third party, okay?” aniya pa.
Sa ngayon ay single na single pa rin si Mavy habang si Kyline ay super happy na sa piling ng bago niyang boyfriend na si Kobe Paras.
Sa isang panayam, nabanggit ni Mavy na naka-move on na siya kay Kyline at sa katunayan ay masaya siya para sa dating girlfriend at kay Kobe.
“The person’s happy. I’m happy. Let’s end the year on a good note na peaceful. What’s done is done also and lahat naman masaya,” ani Mavy.
News
Kathryn super maalagang kaibigan, mahilig magpadala ng pagkain: Gusto kong ma-feel nila na nandiyan lang ako for them – la
Kathryn super maalagang kaibigan, mahilig magpadala ng pagkain: Gusto kong ma-feel nila na nandiyan lang ako for them Kathryn Bernardo at Min Bernardo IILAN lang ang maituturing na tunay at tapat na kaibigan ng Box-Office Queen at award-winning actress na…
Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig waging Miss Universe 2024 – la
Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig waging Miss Universe 2024 WINNER si Victoria Kjær Theilvig ng Denmark sa katatapos lamang na Miss Universe 2024 pageant na ginanap sa Arena CDMX sa Mexico City. Tinalo ni Miss Denmark ang 124 iba pang kandidata mula…
Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel – la
Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel HALOS lahat ng nakakausap namin ay nagsasabing worth it ang limang taong paghihintay ng fans para sa reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Bukod sa galing ng aktingan ng KathDen…
Kathryn curious paano makipag-date kay Alden: Bahay agad? – la
Kathryn curious paano makipag-date kay Alden: Bahay agad?! AMINADO ang Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo na curious siya kung paano makipag-date ang Kapuso actor na si Alden Richards. Sa kanilang guesting sa Rec•Create kung saan sumalang sila sa “Let’s Be…
Rayver hindi epal na dyowa kay Julie Anne: Wala ako sa posisyon – la
Rayver hindi epal na dyowa kay Julie Anne: Wala ako sa posisyon Julie Anne San Jose at Rayver Cruz KAHIT siya ang boyfriend, never nakialam o diniktahan ni Rayver Cruz ang dyowang si Julie Anne San Jose sa mga desisyon nito sa kanyang showbiz…
Archie Alemania SUMABOG NA sa GALIT kay Rita Daniela NAPAKA SINUNGALING MO! – la
Archie Alemania SUMABOG NA sa GALIT kay Rita Daniela NAPAKA SINUNGALING MO! Ngayong araw, isang nakakagulat na isyu ang sumabog sa social media nang maglabas ng pahayag si Archie Alemania laban kay Rita Daniela. Sa kanyang galit na tono, tinawag…
End of content
No more pages to load