Ellen binarag ang basher na nakialam sa anak: Sana mag-isip-isip ka rin!

Ellen binarag ang basher na nakialam sa anak: Sana mag-isip-isip ka rin!

Ellen Adarna, Derek Ramsay at ang kanilang bagong-silang na anak

PATOL kung patol ang dating sexy star na si Ellen Adarna sa mga netizens na nagkokomento ng negatibo sa pagsilang ng panganay nila ni Derek Ramsay.

Hindi pinalampas ni Ellen ang isang Instagram user na nag-iwan ng comment sa litratong ipinost ng kanyang asawang si Derek Ramsay.

Nitong nagdaany October 23, ibinandera nga ni Derek na isinilang na ng kanyang misis sa kanilang healthy baby girl. Hindi pa ipinakita ng aktor ang face ng anak at wala ring binanggit kung ano ang name ng sanggol.

Kahapon, November 2, nag-post uli si Derek sa Instagram ng picture nila ni Ellen kasama ang kanilang first baby. Aniya sa caption, “The power you have over all of us is amazing!”

Sa comments section, may isang netizen ang nag-post ng, “Sana hindi n’yo ma-echapwera C (si) Elias.”
Ang tinutukoy nitong Elias ay ang anak ni Ellen sa dati niyang karelasyon na si John Lloyd Cruz. May anak din si Derek sa ex-wife nitong si Mary Christine Jolly na nagngangalang Austin.

Matapos mabasa ang naturang post ay agad na sumagot si Ellen na halatang na-bad trip sa netizen.

Sagot sa kanya ng aktres at celebrity mom, “Sana mag-isip-isip ka rin.”

Deleted na sa ngayon ang naturang komento ng netizen pero may ilang nakapag-screenshot nito kaya pinagpiyestahan sa social media.

Nauna rito, sinagot din ni Ellen ang ilang netizens na nagsabing hindi totoong gusto niyang isorpresa ang publiko  tungkol sa pagbubuntis niya sa unang anak nila ni Derek.

“Hindi ko gusto na surprise. Alam naman ng friends and family and ‘di ko naman tinatago when I go out, crop top ako kahit malaki tiyan.

“I just didn’t announce because I don’t need to. I want a quiet and peaceful pregnancy. Last thing I need are opinions from people I don’t know and unsolicited advice,” sabi pa ni Ellen.