Hirit ni Kathryn kay Alden: Hindi ka superhero, one battle at a time!
HINDI na nahihiyang magtanong si Kathryn Bernardo kay Alden Richards tungkol sa kahit anong bagay ngayong mas naging close pa sila sa isa’t isa.
Matapos mag-shooting ng ilang linggo sa Canada para sa reunion movie nilang pelikulang “Hello, Love, Again” under Star Cinema and GMA Pictures, inamin nina Alden at Kathryn na marami silang natutunan sa isa’t isa.
Mas nakilala at mas lumalim pa raw ang special friendship ng KathDen sa isa’t isa mula nang gawin nila ang “Hello, Love, Goodbye” noong 2019.
“He’s just amazing. Hindi ko lahat kaya, hindi ko kaya kung paano ‘yung ginagawa niya. Minsan kapag napapagod ako, tapos titingnan ko siya, iisipin ko, ‘Ito nga hindi nagrereklamo,’” chika ni Kathryn sa panayan ng “24 Oras.”
Dugtong pa ng Kapamilya superstar, “Ang dami (kong natutunan sa kanya), kapag kailangan mo ng advice, you just talk to him.
“Hindi ako nahihiyang magtanong sa kanya, like hindi ko kailangan i-filter ‘yung mga questions ko because I know na hindi siya ma-o-offend also,” aniya pa.
Para naman kay Alden, maraming nagbago sa mga pananaw niya sa buhay mula nang maging close sila ni Kathryn.
“One thing that she made me realized is don’t life too seriously. Siya ‘yung nagpa-realize sa akin na it’s okay to (say) ‘no’ at times, valuing your time for yourself, time for your loved ones,” sey ni Alden.
Dagdag pa niya, “Take everything one day at a time, hindi ka superhero. One battle at a time.”
Showing na ang “Hello, Love, Again” sa November 13, mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.
News
VIDEO : Mga na-viral na issue, isa-isang sinagot ni Mayor Nina Jose Quiambao! | Ogie Diaz
Mga na-viral na issue, isa-isang sinagot ni Mayor Nina Jose Quiambao! | Ogie Diaz Mayor Nina Jose Quiambao recently addressed several viral issues in an interview with Ogie Diaz. Known for her transparency and willingness to face controversies head-on, Mayor…
HOT VIDEO : Ion Perez at Jackie Gonzaga nalalapit na ang pagpapakasal! Vice Ganda tututol sa kasal! – LA
Ion Perez at Jackie Gonzaga nalalapit na ang pagpapakasal! Vice Ganda tututol sa kasal! Ang relasyon nina Ion Perez at Jackie Gonzaga ay patuloy na hinahangaan at sinusubaybayan ng kanilang mga tagahanga. Sa kabila ng mga usap-usapan, tila seryosong nag-level…
Jackie Forster kay Andre: I know God made you the KUYA for a reason – la
Jackie Forster kay Andre: I know God made you the KUYA for a reason SUPER touched ang mga netizens sa madamdaming birthday message ni Jackie Forster para sa panganay niyang si Andre Paras. Nag-celebrate ang Kapuso actor ng kanyang ika-29 kaarawan nitong…
Dasuri natuwa pa nang madamay sa MavLine breakup: Parang ang ganda ko – la
Dasuri natuwa pa nang madamay sa MavLine breakup: Parang ang ganda ko INAMIN ng actress-dancer na si Dasuri Choi na nu’ng unang matsismis na siya raw ang third party sa breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ay talagang natuwa siya. Iyun…
Sanya Lopez inaming ‘super hot’ ang love scene kasama si Alden – la
Sanya Lopez inaming ‘super hot’ ang love scene kasama si Alden AMINADO ang Kapuso actress na si Sanya Lopez naging mainit ang kanilang eksena ng Kapuso actor na si Alden Richards sa kanilang teleseryeng “Pulang Araw”. Nitong Martes, October 29,…
Kathryn ibinuking si Alden: Gusto nang magka-baby ni Tisoy! – la
Kathryn ibinuking si Alden: Gusto nang magka-baby ni Tisoy! FEELING ni Kathryn Bernardo, sa pagitan daw nila ni Alden Richards, baka raw ang Asia’s Multimedia Star ang mauunang magpakasal at mag-asawa. Katwiran ng Kapamilya superstar, mas matanda raw kasi sa kanya si…
End of content
No more pages to load