Hugot ni Sharon kay Julia: Pinakamamahal kita sa lahat ng naging ‘anak’ ko!
FEELING ng mga netizens ay may pinatatamaan na naman ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post.
Nagbahagi kasi ang premyadong singer-actress ng isang quote card sa kanyang IG account na may kaugnayan sa usaping pamilya at mga anak.
Mababasa sa ipinost niyang card ang mga katagang, “Family is not about blood. It’s about who’s willing to hold your hand when you need it the most.”
Kalakip nito ang litrato nila ng Kapamilya actress na si Julia Montes na itinuturing na niyang parang tunay na anak. Magkasama sila ngayon sa Kapamilya series na “Saving Grace.”
Ang nakasulat sa caption ng naturang artcard at litrato nila ni Julia ay, “My beloved Julia…I love you with all of my heart. I thank God that you came into my life.
“Pinakamamahal kita sa lahat ng naging ‘anak’ ko na hindi ko naisilang. Forever your Mommy!” aniya pa.
Iba’t iba ang naging reaksyon ng fans and IG followers ni Mega sa kanyang madamdaming message para kay Julia at may ilang netizens pa nga ang nang-intriga sa naturang post.
Hindi raw kay may pinatatamaan na naman si Ate Shawie sa kanyang mga hugot? May konek ba ito sa tunay niyang mga anak, partikular na kay KC Concepcion?
Narito ang ilang comments na nabasa namin.
“Julia will be the next Hilda Koronel. love her.”
“Awwww… very heartwarming caption. Julia must be very proud to have Ate Sharon to call as Mommy.”
“Julia Montes seems like a real nice person. Im starting to like her in the show. Pareho kayong mabuting tao.”
“Sending love to both of you. Excited on the next episode of Saving Grace.”
“We love julia montes!!! Mukha syang mabait and very humble bagay sila ni mega mag ina.”
“Both pretty inside and out. Iba yung glow nilang mag-ina talaga. Iba kasi kapag maganda ang heart nagrereflect sa awra. Lablab Teacher Anna and Ms. Miranda.”
“I’m too soft for this. pero maiba lang feeling ko talaga mag nanay si Teacher Anna saka si Ms. Miranda sa Saving Grace eh.”
“Exactly correct!!I LOVE YOU SOOOO MUCH MY ONE AND ONLY FAVORITE ACTOR HUMAN BEING…. YOU ARE SOOO PRETTY…Iand a GOOD PERSON……I LOVE YOU WE’RE WATCHING YOUR CHRISTMAS SPECIAL…. VERY BEAUTIFUL NKA GOLD KA.. LOVES YOU SHAGABZ.”