Jam Villanueva tagumpay sa pagwasak kina Maris at Anthony; milyones nawal
NANINIWALA ang maraming netizens na talagang pinlano at pinag-isipang mabuti ni Jam Villanueva ang pangwawasak kina Maris Racal at Anthony Jennings.
Bilib daw sila sa naisip na istilo ni Jam para makaganti sa Kapamilya loveteam at ipahiya ang mga ito sa buong mundo na hindi halata ang pagiging bitter niya sa panloloko sa kanya ng dalawa.
Nagtagumpay daw nang bonggang-bongga ang dating girlfriend ni Anthony na makuha ang simpatya ng publiko at madurog nang husto ang aktor at si Maris at kamuhian ng mga tao.
Siguradong napakasaya raw ngayon ni Jam dahil successful ang kanyang revenge plan dahil bukod sa nasira niya ang relasyon nina Maris at Anthony, marami ring endorsement na nawala sa kanila.
Hindi man daw aminin ng dalaga, at kahit ulit-ulitin niya ang pagsasabing hindi niya ginusto na mawasak ang career nina Maris at Anthony ay hindi naniniwala ang netizens dahil sa isang taong niloko nang paulit-ulit, paghihiganti lamang ang magpapatahimik sa kanilang puso’t isipan.
Ayon kay Xian, “Inexpose ni Ate lahat ng mga screenshots and photos kasi gusto niyang makapaghiganti. That’s it. Period. Gumawa lang siya ng straight English statements to cover up that fact para hindi siya magmukhang desperada.
“She packaged the exposè very well para hindi siya magmukhang cheapipay. Pero ang bottomline ng lahat ng ito? Revenge sa dalawa.
“Tigil-tigilan niyo na ang paggawa ng mga makabagbag damdaming post about empowerment chuvachuchu because it is not appropriate. Full of pretensions and sugarcoating. Nakakadiri lang.
“Ang totoong lesson na mapupulot natin sa kanya na walang halong kaplastikan: Minsan ay mas okay din na hindi mo ipagpasa-Diyos ang mga bagay-bagay. Minsan ay mas okay din na makapaghiganti ka at masira mo yung buhay nila.
“Na huwag mo sila hayaang maging masaya pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sayo.
“Na hindi ka dapat maging mabait sa lahat ng pagkakataon. Na minsan ay kailangan nating maging masama at handang lumaban upang hindi tayo api-apihin ng mundo,” ang buong pahayag ng tinaguriang Pambang Marites.