John Estrada pumalag sa malisyosong isyu sa kanila ni Barbie: Kalokohan!

John Estrada pumalag sa malisyosong isyu sa kanila ni Barbie: Kalokohan!

John Estrada pumalag sa malisyosong isyu sa kanila ni Barbie: Kalokohan!

John Estrada, Annabelle Rama, Barbie Imperial at Richard Gutierrez

INALMAHAN ni John Estrada ang kumalat na chika sa social media na may namamagitan umano sa kanila ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Hindi nagustuhan ni John ang ipinakakalat ng ilang Facebook page tungkol sa kanila ni Barbie na nali-link din ngayon sa Kapamilya actor na si Richard Gutierrez.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni John ang isang screenshot mula sa isang online post kung saan nga ibinalita ang malisyosong isyu sa kanila ni Barbie.

Makikita sa litrato ang nanay ni Richard na si Annabelle Rama, ang kuha kung saan magkatabi sina Barbie at Richard, at ang hiwalay na litrato ni John. Nilagyan pa ng salitang “Fake News” ang naturang screenshot.

Ayon kay John, “Unang Una Hindi ko alam kung Sino o Saan nag simula ang Kalokohan na to, na naglilink sa amin ni barbie imperial.”

Sabi pa ng aktor, alam niyang artista rin si Barbie pero hindi niya raw ito kilala nang personal at minsan lang daw niya nakita ang rumored girlfriend ni Richard.
John Estrada nagsalita na sa isyu nila ni Barbie Imperial

Ang tinutukoy ni John ay nang magkita sila ng aktres sa Christmas special ng ABS-CBN. Magkasama rin daw sila sa seryeng “Batang Quiapo” pero never silang nagkaroon ng eksena together.

“Hindi ko po kilala si barbie imperial, kilala ko sya Bilang isang Artista pero hindi po sa personal na lebel, sa talam buhay ko, minsan ko lang lang ho sya nakita sa xmas special ng abs cbn ng 2021 or 2022.

“At yun na ho ang huling pagkikita namin sa naalala ko, totoo po magkasama kame sa Batang Quiapo pero ni minsan e HINDI kame nagkita dahil po iba ang grupo nya, unit, at direktor nya, kung sino man nag simula nito e puede ka maging komedyante,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, pinaalalahanan niya ang mga news at entertainment publications na maging maingat sa paglalabas ng mga balita.

“At sa mga online newspaper, o tabloid or tsismis sites, e bago nyo cguro ilabas ang isang bagay e mag research naman kayo kung merong kahit na 0.1 percent na katotohanan, yun lang po at maraming salamat (praying at heart emojis).

“Happy new year po uli sa inyong lahat!” ang buong post ni John sa IG.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News