John Estrada spotted na may kasamang babaeng foreigner sa bar, bagong GF?

John Estrada spotted na may kasamang babaeng foreigner sa bar, bagong GF?

USAP-USAPAN sa social media ang latest viral video ng kontrobersyal na aktor na si John Estrada kasama ang hinihinalang bagong babae niya.

Ang post ay uploaded sa Facebook na may username na Keken Quiñonez at makikitang nakaakbay pa ang aktor sa babaeng foreigner pagpasok ng bar.

Naka-all white pa ang dalawa at kitang-kita na nagtatawanan.

Kasunod niyan ang isa pang clip na magkatabi at nag-uusap sila sa may bar area.

John Estrada spotted na may kasamang babaeng foreigner sa bar, bagong GF?

As of this writing, ang viral video ay umaani na ng mahigit 3.1 million views.

Halo-halo rin ang naging reaksyon ng netizens na kung saan marami ang bumatikos kay John, habang ang iba ay pinuri ang kagandahan ng kasama niyang babae.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Babaero talaga tsk tsk kelan kaya ‘to makakarma”

“Tumatandang walang pinagkatandaan. May kilala akong ganyan.”

“Feeling binata ang lolo”

“Ang ganda ng bagong partner niya [happy face with heart eyes emoji]”

“Sakit niya na yan jusko naka ilang matitinong babae na siya…Hahaha pagtanda nyan saka niya maiisip yan…nakakahiya sa mga anak niyang babae.”

“Grabe ganda ng babae ni Rigor baka magselos si Lena tsaka si Marites [laughing emoji]”

Kamakailan lang, inamin nina John at kanyang misis na si Priscilla Meirelles na naghiwalay na sila.

Ngunit tila may iringan pa ring nagaganap dahil contradicting ang statement ng dalawa.

Sinabi ng aktor na “mutual” ang kanilang desisyon na maghiwalay, pero ayon naman sa beauty queen ay hindi ito totoo.

Sey ni aktor sa kanyang official statement, “Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love.”