Kathryn ibinuking si Alden: Gusto nang magka-baby ni Tisoy!
FEELING ni Kathryn Bernardo, sa pagitan daw nila ni Alden Richards, baka raw ang Asia’s Multimedia Star ang mauunang magpakasal at mag-asawa.
Katwiran ng Kapamilya superstar, mas matanda raw kasi sa kanya si Alden at gusto na rin daw ng kanyang leading man sa pelikulang “Hello, Love, Again” na magkaroon na ng baby.
Sumabak ang tambalang KathDen sa “who is most likely” challenge kung saan isa nga sa mga tanong ay, “who’s going to get married first?”
Inamin ni Kath na hindi pa siya ready na magkaroon ng sariling pamilya kaya ang sagot niya ay, “Ayoko pa, Tisoy (tawag ng aktres kay Alden.”
“Feeling ko si Tisoy, kasi 33 na tapos gusto na magka-baby ni Tisoy. Go mo na ‘yan,” ang panunukso ni Kathryn kay Alden.
Sagot naman sa kanya ng Kapuso star, “Go na natin, sige ako na lang.”
Matatandaang sinabi ni Kathryn sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” na ang ideal age niya sa pagpapakasal ay 34 pero handa na siya ngayong magmahal uli halos isang taon makalipas ang brrakup nila ni Daniel Padilla.
Pero ang paniwala naman ng kanilang fans, may relasyon na raw ang dalawa at ayaw lang ibandera sa publiko para iwas tsismis at intriga.
Ang sabi naman ng ilang malalapit sa KathDen, tuloy pa rin daw ang panliligaw ni Alden kay Kath hanggang ngayon.
Sa isang interview kay Alden sinabi nitong mas gusto niya munang gawing private kung anuman ang relationship nila ni Kathryn.
“What me and Kathryn have right now is, I should say, really deep, and since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong na-discover sa kanya or similarities and differences on how we view life,” sabi ni Alden.
Showing na ang “Hello, Love, Again” sa mga sinehan nationwide simula sa November 13.
News
VIDEO : Mga na-viral na issue, isa-isang sinagot ni Mayor Nina Jose Quiambao! | Ogie Diaz
Mga na-viral na issue, isa-isang sinagot ni Mayor Nina Jose Quiambao! | Ogie Diaz Mayor Nina Jose Quiambao recently addressed several viral issues in an interview with Ogie Diaz. Known for her transparency and willingness to face controversies head-on, Mayor…
HOT VIDEO : Ion Perez at Jackie Gonzaga nalalapit na ang pagpapakasal! Vice Ganda tututol sa kasal! – LA
Ion Perez at Jackie Gonzaga nalalapit na ang pagpapakasal! Vice Ganda tututol sa kasal! Ang relasyon nina Ion Perez at Jackie Gonzaga ay patuloy na hinahangaan at sinusubaybayan ng kanilang mga tagahanga. Sa kabila ng mga usap-usapan, tila seryosong nag-level…
Jackie Forster kay Andre: I know God made you the KUYA for a reason – la
Jackie Forster kay Andre: I know God made you the KUYA for a reason SUPER touched ang mga netizens sa madamdaming birthday message ni Jackie Forster para sa panganay niyang si Andre Paras. Nag-celebrate ang Kapuso actor ng kanyang ika-29 kaarawan nitong…
Dasuri natuwa pa nang madamay sa MavLine breakup: Parang ang ganda ko – la
Dasuri natuwa pa nang madamay sa MavLine breakup: Parang ang ganda ko INAMIN ng actress-dancer na si Dasuri Choi na nu’ng unang matsismis na siya raw ang third party sa breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ay talagang natuwa siya. Iyun…
Sanya Lopez inaming ‘super hot’ ang love scene kasama si Alden – la
Sanya Lopez inaming ‘super hot’ ang love scene kasama si Alden AMINADO ang Kapuso actress na si Sanya Lopez naging mainit ang kanilang eksena ng Kapuso actor na si Alden Richards sa kanilang teleseryeng “Pulang Araw”. Nitong Martes, October 29,…
Hirit ni Kathryn kay Alden: Hindi ka superhero, one battle at a time! – la
Hirit ni Kathryn kay Alden: Hindi ka superhero, one battle at a time! Kathryn Bernardo at Alden Richards HINDI na nahihiyang magtanong si Kathryn Bernardo kay Alden Richards tungkol sa kahit anong bagay ngayong mas naging close pa sila sa isa’t isa. Matapos mag-shooting…
End of content
No more pages to load