Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel

Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel

HALOS lahat ng nakakausap namin ay nagsasabing worth it ang limang taong paghihintay ng fans para sa reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Bukod sa galing ng aktingan ng KathDen sa “Hello, Love, Again”, ang sequel ng kanilang blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye” ay marami pang nakakawindang at  pasabog na eksena sa pelikula, lalo na raw si Kath.

Napa-wow at napanganga ang mga nakapanood na ng movie with matching tilian pa dahil hindi sila makapaniwala sa mga paandar na eksena nina Kathryn at Alden.

Isa na nga riyan ang pakikipaghalikan ni Kath kay Alden na never pa raw ginawa ng dalaga sa kanyang past movies, lalo na sa mga ginawa niyang projects with her former real and reel partner na si Daniel Padilla.

Ang huling pelikula pa ng KathNiel ay ang “The Hows of Us” habang ang last na proyekto nila together ay ang seryeng “2 Good 2 Be True.”

Kathden Vs Kathniel (Sino mas bagay?) - YouTube

Biro nga ng mga fans, si Alden ang “nagbinyag” sa mga labi ni Kathryn on screen na hindi pinatikim ng dalaga kay DJ sa lahat ng pinagtambalan nilang pelikula.

May mga nag-post pa sa social media na matapos raw ang bonggang kissing scene nina Kath at Alden ay  hinanap daw ng aktres ang kanyang tatay na si Daddy Teddy Bernardo upang makita ang reaksiyon nito sa ginanap na premiere night last Tuesday.

Komento naman ng ilang nasa premiere night, feeling nila aprub daw sa father dear ni Kath ang pakikipaglaplapan niya kay Alden.

Patuloy naman ang pakiusap ng mga supporters ng KathDen na hindi pa nakakapanood ng “HLA” na huwag munang mag-post ng spoilers, lalo na sa mga vloggers na ginagawa pa itong content.