Max Collins, Pancho Magno divorced na: ‘We’re legally separated’

Max Collins, Pancho Magno divorced na: ‘We’re legally separated’

Max Collins, Pancho Magno

PAREHO nang single ang dating mag-asawa na sina Max Collins at Pancho Magno.

Kinumpirma ito mismo ni Max sa programang “24 Oras” at sinabing naaprubahan na sa Amerika ang kanilang diborsyo na nangyari last month lamang.

“We’re legally separated na so it’s official na,” sey ng aktres sa panayam.

Nang tanungin naman sila tungkol sa maayos na co-parenting para sa nag-iisa nilang anak na si Skye.

Ang sagot diyan ng celebrity mom, “We wanted to show people that you can be like us. I mean, it’s possible.”

Kung matatandaan, noong Abril nang ibinunyag ni Max sa kanyang interview with Boy Abunda na pinag-uusapan nila ni Pancho ang pag-divorce bilang isa siyang American citizen.

Naikwento niya rin na kasagsagan ng pandemic nu’ng magdesisyon daw sila ng aktor na tapusin na ang kanilang pagsasama bilang married couple.

Mutual decision daw nila ni Pancho na itago muna sa publiko ang kanilang breakup para iwas-intriga at tsismis, lalo pa’t meron silang anak na pinangangalagaan at pinoprotektahan.

Max Collins And Pancho Magno Are Officially Divorced

Hindi naman daw sila basta bumitaw sa kanilang relasyon dahil kahit medyo mahirap na para sa kanila ni Pancho ang sitwasyon ay nag-try pa rin sila na i-save ang kanilang relasyon.

“Tito Boy, we’ve been together for like eight years total? Nilaban namin hangga’t kaya ng mga puso namin in a sense na dumating ‘yung point na we stop becoming in denial about it,” aniya pa.

Pagpapatuloy ni Max, “I’m ready to talk about it now because we’re in a good place. I actually got his blessing to do this interview with you.”

Pagdating naman sa co-parenting set up, ipinagmalaki ni Max na ito ay “healthy” at “going great” para sa kanila.

“We’re good, we’re great,” sambit niya kay Tito Boy.

Dagdag niya, “It really works for us; we’re very healthy, and we’re both happy, and our son is very happy, so really it worked out for the best.”

Matatandaang ikinasal ang dalawang Kapuso stars noong 2017.