Neri Miranda ipinagdarasal ng netizens na makalabas na ng kulungan
HALOS lahat ng mga nababasa at naririnig naming komento tungkol sa pagkakaaresto at pagkulong kay Neri Miranda ay nakikisimpatya sa nangyari kanya.
Kinakampihan nila ang asawa ni Chito Miranda kasabay ng pangakong ipagdarasal nila ito para makalaya na agad mula sa kulungan.
Sa Instagram post ni Chito kung saan nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa nangyari sa kanyang misis, napakaraming netizens ang nagbigay ng inspiring message sa aktres.
Narito ang kabuuang post ng bokalista ng Parokya ni Edgar.
“Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito…kawawa naman yung asawa ko. Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa.
“Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man. Alam ng lahat yan. Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya.
“Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya. Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya nalang, basta wala syang ginawang masama.
“Pinapa sa Diyos nya na lang. Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.
“Kinasuhan sya ng mga nabiktima.
“Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.
“Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.
“Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso)
“Anyway, dinampot na lang sya bigla.(Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.)
“Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare.
“Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra.
“Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”
Bumuhos ang mensahe mula sa kanyang IG followers para kay Neri. Awang-awa sila sa aktres pati na sa mga anak nila ni Chito na biglang nawalan ng nanay.
“Alam naming mabuting tao si Neri.”
Laban lang miranda’s hustisya for misis neri
“Narito kami handang tumulong Chito. Ang product endorser ay isang talent at hindi dapat nananagot sa iligal na gawain ng may ari at management ng isang korporasyon.”
“Biktima rin si Neri tulad ng ibang nabiktima nung mga estafador sa likod ng kumpanya. Habulin dapat yung mga may ari. Nawa’y madismiss o maibalik ang kaso sa piskalya para sa preliminary investigation at ma lift o ma quash ang arrest warrant.”
“Mahal ko kayo!!! mahigpit na yakap chito at neri! Di kayo pababayaan ng Diyos! Praying for all of you! Justice will prevail!”
“That top 7 most wanted is so questionable like srsly?! Papano naging most wanted eh sobrang visible nga at active pa sa social media kung gustong hanapin mahahanap agad.”
“Grabe nmn!!! Praying for u Neng @mrsnerimiranda everyone knows ur heart! This too shall pass.”
“Malalagpasan yan ni misis ! The truth will prevail. Kme man po ay nagulat s balita na inaresto si neri nkklungkot wlang pasabi biglang may warrant! Ilaban nyo yan tsong @chitomirandajr alam nmin n mttpos din yan. Salamat din s update kse nag aalala din kme s klgyan ni misis sana mging okay lang sya sa na manaig ang tamang proceso ng batas hindi nambibigla s wlang kinalaman at wlang ksalanan n tao.”
Inaresto si Neri ng mga operatiba ng Pasay City Police kaugnay ng kasong paglabag sa section 28 of the RA 8799 o ang tinatawag na “securities and regulations code ng Securities and Exchange Commission.”