Piolo walang ‘puso’ para sa politika; naging instant fan ni Coco
PURING-PURI ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual si Coco Martin hindi lang bilang magaling na aktor kundi pati na rin bilang isang direktor.
Ang lead star at direktor ng “FPJ’s Batang Quiapo” ang nagdirek ng maaaksyong eksena sa isa pang hit Kapamilya series na “Pamilya Sagrado” na pinagbibidahan ni Papa P.
Mapapanood na ang mga eksenang idinirek ni Coco sa nalalapit na pagtatapos ng serye next week.
Sa naganap na intimate solo presscon ni Piolo kahapon para sa pasabog na finale ng “Pamilya Sagrado” ay natanong siya ng BANDERA kung kumusta si Coco bilang direktor.
“Diretso siya. Nandu’n agad siya. Nagdidirek agad siya, nu’ng dumating ako hanggang matapos ‘yung show. Ibang klase, ibang klase ‘yung professionalism ni Coco.
Bumalik ka na #Yorme 2025
“I became a fan, as an actor to a director, because nakita mo talaga na inaral niya ‘yung script before coming, before doing the scenes and nakipag-meeting siya,” simulang pahayag ni Piolo.
Patuloy pa niya, “Nagpre-prod siya. Nakakatuwa because you get to be directed by Coco, who is in his prime as well.
“So, I guess you know since never ako nakapunta sa mga show niya. This is something to start with. Hopefully, makapag-collab kami as actors. Pero grabe ang galing nakakatuwa,” chika pa ng award-winning actor.
Sundot na tanong namin sa kanya kung na-inspire ba siya ni Coco na magdirek na rin in the near future, “I love producing. I enjoy the process of producing, but I have to be totally honest; I don’t see any skill in me as a director.
“That’s something I don’t think I have any interest in doing. Ang hirap eh, ‘yung part the whole process, eh. Kapag artista ka siguro grabe na ‘yung binibigay mong oras, paano pa kapag nag-direct ka at nag-produce ka“And also, at the end of the day, I didn’t study directing, so I don’t want to be all-knowing and trying to do something, na hindi ko naman alam kung paano gawin,” ang pagpapakatotoong tugon ng aktor.
Samantala, presidente ng Pilipinas ang ginampanan niya sa “Pamilya Sagrado” kaya natanong din namin siya kung nagkaroon din ba siya ng interes na sumabak sa politika.
“I have friends that have been inviting me. Some groups have been inviting me. Pero sa kabisihan ko, I don’t think I’ll have time for it.
“And it is also not my interest to enter politics. I already have my field that I can practice,” sabi pa ni Papa P.
“Ever since, however, I was never interested in politics, and we just pray for them. Or on the horizon, for that matter. I love what I do.
“I must stick to acting because ito na talaga ‘yung trabaho ko ever since. I don’t think I have the heart to do politics,” dagdag pa niya.
Ngunit bukas naman siya sa pagsuporta sa mga taong may magagawa sa bansa, “Siyempre, mga pinaniwalaan mo. Ano ‘yung mga sinu-support mo because you want them to have the position to help the country.”
News
Kathryn super maalagang kaibigan, mahilig magpadala ng pagkain: Gusto kong ma-feel nila na nandiyan lang ako for them – la
Kathryn super maalagang kaibigan, mahilig magpadala ng pagkain: Gusto kong ma-feel nila na nandiyan lang ako for them Kathryn Bernardo at Min Bernardo IILAN lang ang maituturing na tunay at tapat na kaibigan ng Box-Office Queen at award-winning actress na…
Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig waging Miss Universe 2024 – la
Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig waging Miss Universe 2024 WINNER si Victoria Kjær Theilvig ng Denmark sa katatapos lamang na Miss Universe 2024 pageant na ginanap sa Arena CDMX sa Mexico City. Tinalo ni Miss Denmark ang 124 iba pang kandidata mula…
Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel – la
Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel HALOS lahat ng nakakausap namin ay nagsasabing worth it ang limang taong paghihintay ng fans para sa reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Bukod sa galing ng aktingan ng KathDen…
Kathryn curious paano makipag-date kay Alden: Bahay agad? – la
Kathryn curious paano makipag-date kay Alden: Bahay agad?! AMINADO ang Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo na curious siya kung paano makipag-date ang Kapuso actor na si Alden Richards. Sa kanilang guesting sa Rec•Create kung saan sumalang sila sa “Let’s Be…
Rayver hindi epal na dyowa kay Julie Anne: Wala ako sa posisyon – la
Rayver hindi epal na dyowa kay Julie Anne: Wala ako sa posisyon Julie Anne San Jose at Rayver Cruz KAHIT siya ang boyfriend, never nakialam o diniktahan ni Rayver Cruz ang dyowang si Julie Anne San Jose sa mga desisyon nito sa kanyang showbiz…
Archie Alemania SUMABOG NA sa GALIT kay Rita Daniela NAPAKA SINUNGALING MO! – la
Archie Alemania SUMABOG NA sa GALIT kay Rita Daniela NAPAKA SINUNGALING MO! Ngayong araw, isang nakakagulat na isyu ang sumabog sa social media nang maglabas ng pahayag si Archie Alemania laban kay Rita Daniela. Sa kanyang galit na tono, tinawag…
End of content
No more pages to load