Priscilla hindi na binalikan si John, dedma sa bagong ‘girl’ ng asawa

Priscilla hindi na binalikan si John, dedma sa bagong dyowa ng asawa

John Estrada, Priscilla Meirelles at si ‘Mystery Girl’

KINUMPIRMA ng aming source na hindi na nagkabalikan ang mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles na inakala nilang magkakaayos uli sa pagbabalik ng Brazillian beauty queen sa Pilipinas.

Inakala rin na nu’ng nagkita sa Singapore sina John at Priscilla ay magkakaroon sila ng “alone time” pero hindi rin nangyari dahil trabaho naman ang sadya roon ng huli hanggang sa makabalik na ng Pilipinas ay wala raw pag-uusap.

“Parang nagkaintindihan na mas okay silang ganyan hindi na nagsasama kasi si Priscilla pinaghahandaan niya ang pagbabalik niya sa (showbiz) industry,” say ng aming source.

Kaya pala walang reaksyon si Priscilla sa viral photo ni John na pumasok sa isang bar na may kaakbay na babaeng foreigner at hanggang sa pagpasok ay silang dalawa pa rin ang magkatabi.

Say naman ng isa pang napagtanungan namin tungkol sa ka-date ni John, “Hayaan mo na si John, ganyan na ‘yan noon pa kaya siguro napagod na si Priscilla. Kaya nga siya babalik ng showbiz para maging busy.

Bigla tuloy naming naalala na nu’ng nagte-taping pa ng “FPJ’s Ang Probinsyano” si John ay maraming nakakitang may babaeng dumalaw sa kanya sa hotel at nakasabay pa raw kumain ng ibang cast ang girl at hindi raw halos makapagsalita ang actor dahil nailang.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni John tungkol sa viral photo at ni Priscilla na rin baka gusto niyang mag-react sa isyu.

Level-up na makapigil-hiningang mga komprontasyon ang masasaksihan ng mga manonood sa huling tatlong linggo ng Kapamilya teleseryeng “Pamilya Sagrado.”

Mangyayari na ang pinaka-inaabangang paghaharap nina Piolo Pascual, Grae Fernandez, at Kyle Echarri, sa isang maaksyong labanan para sa hustisya na mula sa special guest director na si Coco Martin.

Malaking dagok ang haharapin ni dating pangulong Rafael (Piolo) dahil isasakripisyo na niya ang kanyang buhay upang mabuwag ang sigalot sa pagitan ng kanyang mga anak na sina Justin at Moises (Grae at Kyle).

Pero mukhang madadagdagan pa ng panibagong kalaban si Rafael kay Moises matapos siyang siraan ni Justin sa pagsisinungaling na si Rafael mismo ang pumatay sa nanay ni Moi na si Cristine (Bela Padilla).

Iigting pa lalo ang labanan ng magkakadugo dahil idadaan ni Jaime (Tirso Cruz III) sa karahasan ang kanyanag patong-patong na problema sa pamilya, habang si Eleazar (John Arcilla) naman ay madadawit sa gulo sa pagtulong niya kay Rafael.

Hindi rin makakaligtas sa panganib ang pamilya ni Moises na sina Estong at Grace (Joel Torre at Shaina Magdayao) sa kanilang pagsugod sa kalaban alang-alang sa kaligtasan ni Moises.

Sino ang matitirang buhay para sa laban ng hustisya? Mareresolba pa kaya ni Rafael ang problema para magkaayos ang mga anak niya?

Huwag palampasin ang pasabog na pagtatapos ng “Pamilya Sagrado” sa Nobyembre 15 ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.

VIDEO :