Rayver hindi epal na dyowa kay Julie Anne: Wala ako sa posisyon
KAHIT siya ang boyfriend, never nakialam o diniktahan ni Rayver Cruz ang dyowang si Julie Anne San Jose sa mga desisyon nito sa kanyang showbiz career.
Tulad na lang sa pagtanggap ng Kapuso actress at tinaguriang Limitless Star sa pagiging 2025 calendar girl para sa isang sikat na liquor brand.
Paglalarawan pa ni Julie sa kanyang sarili bilang calendar girl, “Stronger, bolder and more confident in her own skin.”
“Ako, sobrang saya, sobrang thrilled, sobrang honored. I’m very, very happy. Thank you guys so much for the trust, and you know to represent a brand that has support with incredible and exceptional women is truly an honor.
“And you know, sobrang na-amaze din ako personally. Parang, wow, ako?! Parang hindi ako makapaniwala. Ako ba yun?! Ha-hahaha!
“It’s amazing to see the final outcome and how everything came together, you know. Talagang team effort lahat. Collective effort.
“And I’m so, so thankful sa entire team who pushed me to do my best, who supported me and made me feel comfortable and confident throughout the process. So it’s such a huge honor!” ani Julie Anne.
Sa isang panayan naman ay natanong nga si Rayver kung humingi sa kanya ang girlfriend bago gawin ang kalendaryo.
“Hindi ako mahigpit sa ganoon and for me, wala ako sa posisyon na pagbawalan siya ng kahit ano. I mean, it’s her decision and tama naman,” pahayag ni Rayver.
In fairness, bumilib sa Kapuso actor at TV host ang mga fans ni Julie Anne dahil sa pagiging understanding at supportive boyfriend nito.
“Lahat ng blessing na dumarating sa kanya, deserve niya lahat ‘yun. Naka-support lang ako,” sey pa ng aktor na napapanood pa rin sa hit Kapuso serye na “Asawa ng Asawa Ko”, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime.
News
Nadine ibinandera love letter ni Christophe, engaged na nga ba? – la
Nadine ibinandera love letter ni Christophe, engaged na nga ba? ENGAGED na nga ba ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Christophe Bariou? Yan ang mainit na usap-usapan ngayon sa social media matapos ibahagi ni Nadine sa…
Nadine hindi totoong ikakasal na kay Christophe: ‘We’re not engaged!’ – LA
Nadine hindi totoong ikakasal na kay Christophe: ‘We’re not engaged!’ INAKALA ng lahat na “engaged” na ang aktres na si Nadine Lustre sa kanyang non-showbiz French boyfriend na si Christophe Bariou. Ito ay dahil sa ibinandera ng aktres na ipinapakita ang sweet note…
[FULL VIDEO] KathDen Visit Special Screenings Today! • Alden niyakap si Mommy Min – la
[FULL VIDEO] KathDen Visit Special Screenings Today! • Alden niyakap si Mommy Min KathNiel Reunite: A Heartwarming Encounter at a Special Screening Alden Richards Shows Respect and Affection for Kathryn Bernardo’s Mother KathNiel fans were sent into a frenzy as…
Kathryn Bernardo and Alden Richards Share Heartfelt Moments After Hello, Love, Goodbye Party and Block Screenings – la
Kathryn Bernardo and Alden Richards Share Heartfelt Moments After Hello, Love, Goodbye Party and Block Screenings The undeniable chemistry between Kathryn Bernardo and Alden Richards continues to spark excitement and admiration among fans, especially after their recent moments together following…
Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel – la
Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel HALOS lahat ng nakakausap namin ay nagsasabing worth it ang limang taong paghihintay ng fans para sa reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Bukod sa galing ng aktingan ng KathDen…
Aiko sa relasyon nila ni Jay Khonghun: Parang mas lalo pa kaming nagmahalan – la
Aiko sa relasyon nila ni Jay Khonghun: Parang mas lalo pa kaming nagmahalan NAKAKATUWA si Konsehala Aiko Melendez dahil hindi siya nakalilimot sa mga nakasama niya noong nagsisimula palang siyang mag-artista dahil lagi niyang iniimbita sa mga mahahalagang okasyon ng buhay niya….
End of content
No more pages to load