Rita sinisi pa ng bashers kung bakit napagtripan ni Archie Alemania
Trigger Warning: Mention of acts of lasciviousness
MAY mga netizens na sa halip makisimpatya sa ginawa umanong pambabastos ni Archie Alemania kay Rita Daniela ay sinisi pa ang aktres.
Base sa nabasa naming komento sa social media, parang nabiktima pa ngayon ng victim-blaming culture ang Kapuso singer-actress matapos kasuhan si Archie ng acts of lasciviousnes
Ayon sa ilang netizens, bakit daw kasi pumayag pa si Rita na sumakay sa sasakyan ng kapwa Kapuso actor at magpahatid sa bahay nila sa Bacoor City, Cavite.
Nagkita ang aktres at si Archie sa pa-thanksgiving party ni Bea Alonzo para sa cast and production staff ng teleserye nilang “Widows’ War” at dito nga raw nagsimula ang pambabastos ng aktor kay Rita.
Sinabi ng aktres sa kanyang complaint affidavit na ihinain last October 30 sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City na sa party pa lang ay nag-dialogue na raw ang aktor ng, “Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-f*ck*ble mo tonight ah!”
Mas matindi pa raw ang narinig niya kay Archie nang mag-duet sila ng isa pang Kapuso actor na si Royce Cabrera sa party. Sabi raw ni Archie, “Brad tirahin mo na yan! Tang-ina Royce, tirahin mo na yan!”
Pero sa kabila nga nito, nagdesisyon pa rin si Rita na magpahatid kay Archie sa bahay kaya naman may ilang netizens ang nagsabing kasalanan din daw ng aktres ang nangyari sa kanya.
Base sa pahayag ng legal counsel ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, natanong din niya ang aktres at TV host kung bakit sumama pa siya kay Archie nu’ng madaling araw na yun.
Sa affidavit ni Rita, ipinaliwanag niya kung bakit pumayag siyang sumakay sa sasakyan ni Archie para magpahatid nga sa kanyang bahay.
Sey ni Rita, “Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home, I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride.”
Narito naman ang official statement ng Sparkle talent management na siyang nangangalaga sa career ni Rita.
“Regarding the recent incident involving Rita Daniela and Archie Alemania, we have listened to both sides of the story over the past weeks.
“We believe this matter should be addressed in the proper forum, and we encourage both parties to engage in dialogue to resolve this issue fairly.
News
Netizen, nagbigay ng opinyon sa Then and Now photos ni Vice Ganda. Anong masasabi mo rito?
Netizen, nagbigay ng opinyon sa Then and Now photos ni Vice Ganda. Anong masasabi mo rito? Mga larawan ni Vice Ganda na pinagsama ang mga dating larawan at mga bagong larawan, o ang tinatawag na “Then and Now” photos, ay…
Charlie Dizon love na love ang anak ni Carlo Aquino kay Trina Candaza
Charlie Dizon love na love ang anak ni Carlo Aquino kay Trina Candaza Charlie Dizon, Carlo Aquino at Enola Mithi BINALIKAN ng award-winning Kapamilya actor na si Carlo Aquino ang ilang mahahalagang eksena sa love story nila ng asawang si Charlie Dizon. Sa…
Relasyon nina Camille at Carlo napurnada dahil kay John Prats!?
Relasyon nina Camille at Carlo napurnada dahil kay John Prats!? Camille Prats, John Prats at Carlo Aquino KNOWS n’yo ba ang dahilan kung bakit walang naging dyowang artista o manliligaw man lang si Camille Prats noong kanyang kabataan? Inamin ni Camille na…
Payo kay Karl Eldrew Yulo, wag na wag tularan ginawa ni Carlos sa magulang
Payo kay Karl Eldrew Yulo, wag na wag tularan ginawa ni Carlos sa magulang “HUWAG ka sanang magbago Karl Eldrew Yulo, huwag tutulad sa kuya mo!” Iyan ang nagkakaisang payo ng netizens sa nakababatang kapatid ni Carlos Yulo. Ito’y matapos ibandera ni Angelica…
Chloe inasar ng basher, nagpagawa raw ng ilong: Retoke pa more!
Chloe inasar ng basher, nagpagawa raw ng ilong: Retoke pa more! Chloe San Jose PINATULAN ng controversial content creator na si Chloe San Jose ang isang netizen na tumawag sa kanya ng “retokada“. Sinupalpal ng dyowa ni 2-time Olympic gold medalist Carlos…
Coco kay Julia: Ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal n’ya sa ‘kin
Coco kay Julia: Ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal n’ya sa ‘kin Coco Martin at Julia Montes PROUD na proud ang award-winning actor na si Coco Martin sa kanyang partner na si Julia Montes matapos mapanood ang trailer ng “Saving Grace.” Ito ang latest…
End of content
No more pages to load