Sanya Lopez inaming ‘super hot’ ang love scene kasama si Alden
Sanya Lopez inaming 'super hot' ang love scene kasama si Alden

AMINADO ang Kapuso actress na si Sanya Lopez naging mainit ang kanilang eksena ng Kapuso actor na si Alden Richards sa kanilang teleseryeng “Pulang Araw”.

Nitong Martes, October 29, nag-guest ang dalaga sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan naikuwento niya ang ilang detalye sa naturang eksena.

“You had that love scene with Alden, gaano ka-hot ‘yon?” tanong ni Tito Boy kay Sanya.

Natawa naman ang aktres sabay sabing, “Parang sobrang hot.”

“Sa totoo po niyan, dalawang beses po naming ginawa ‘yon, Tito Boy. ‘Yon ‘yong first namin na gano’n ‘yong scene,” dagdag pa ni Sanya.

Aniya, ang naunang beses raw kasi ay nakadamit sila.

Sanya Lopez on 'Pulang Araw' kissing scene with Alden Richards: 'Sobrang hot'  | GMA News Online

Lahad pa ni Sanya, “‘Yong una kasi no’n, ‘yong original nakadamit kami, Tito Boy. Tapos parang sinabi nila since nga po sa Netflix nila ilalabas naman, kumuha sila no’ng talagang topless. Pero may cover naman po kami.

“Because nag-go si Alden, go rin po ako that time. Pero hiyang-hiya talaga ako no’n kay Alden kaya ang ginawa ko no’ng time na ‘yon, tinanong ko siya kung mayro’n na ba siyang mga ganito eksenang nagawa.”

Amin pa ni Sanya, nakakakaba raw talaga ang kanilang ginawang eksena.

Pero hanga siya kay Alden dahil talagang inalagaan siya nito sa kabilang eksena.

Sa tanong naman kung kumusta humalik si Alden, tila natatawang nahihiya naman si Sanya na sumagot ng “Okay si Alden.”

Tila approve naman si Tisoy sa aktres pagdating sa maalab na eksena.