Shaila Rebortera ikinasal na sa non-showbiz fiancé

Shaila Rebortera ikinasal na sa non-showbiz fiancé

NATAGPUAN na talaga ng beauty queen-dentist na si Shaila Rebortera ang kanyang “forever!”

Ikinasal na kasi siya sa non-showbiz fiancé na si Luigi sa isang intimate garden ceremony kasama ang kanilang pamilya at ilang mga kaibigan.

Ang special day ay ibinandera mismo ni Shaila sa kanyang Instagram Stories noong Martes, November 12.

Ilan lamang sa mga ipinasilip niya sa posts ay ang suot niyang off-shoulder balloon dress para sa kasal.

Pati na rin ang ilang moments sa wedding reception kung saan makikita ang puting cake na may nakalagay na “‘Til death do us part’.”
Makikita rin ang bonding moments ng kanyang asawa kasama si Amelia, ang anak ni Shaila sa dating boyfriend na si Rob Gomez.
Shaila Rebortera ikinasal na sa non-showbiz fiancé

Kung matatandaan last year, ilang beses nang naging laman ng balita si Shaila matapos ibunyag na may anak sila ni Rob.

Bukod diyan, naging usap-usapan din ‘yung ibinandera niyang mga pasa na tila ay biktima ng pambubugbog.

Wika niya sa dating post, “After over a year of being silent about the abuse, I’m happy I was able to speak my truth.”

“Just hours after the bruises were uploaded, his mother asked for me to say sorry in exchange for being able to stay with them. I decided to leave,” chika pa ng celebrity mom na tinutukoy ang ina ng aktor.

Samantala, si Shaila ay na-engage sa non-showbiz partner noong Hulyo.