Darryl Yap ‘muntik mapaanak’ sa bagong ‘achievement’ ni Chloe San Jose
IDINAAN sa biro ng direktor na si Darryl Yap ang kanyang sentimento sa ginawang paghanay kay Asia’s Songbird Regine Velasquez sa mga “starlets” sa promo poster ng katatapos na Myx Music Awards ng ABS-CBN.
Sa Facebook post, hindi rin pinalagpas ni Darryl ang pagkakataon para magpasaring kay Chloe San Jose, ang dyowa ni Olympic gold medalist Carlos Yulo, na mas nauna pa ang pangalan sa billing kesa sa legendary OPM singer.
Ni-repost ng batikang direktor ang photo ng poster na inilabas ng ABS-CBN Digital kalakip ang kanyang saloobin.
“Ah eto pala yung nasa maliit at dulong box ang nag-iisang Regine Velasquez…kailangan nya pa ng experience para malampasan sa billing si CHLOE? HAHAHAHA!” wika ng direktor ng box office hit na “Maid in Malacañang.”
“Tawang-tawa ako. Kung buntis lang ako—nalaglag na,” dugtong niya.
Kaugnay nito, isinapubliko ni Regine ang reaksyon niya sa nasabing isyu at inamin na mayroon nang mas sikat sa kanya kaya hindi siya naghihinanakit sa billing sa nasabing poster.
“Sayang naman ‘yung mga experience at mga learnings na nakuha ko all throughout the 40 years kung ibabaon ko lang iyon sa lupa, so I thought, it would be good to share it,” dagdag niya.