Vice Ganda ayaw pa sanang makasama sa pelikula si Eugene, anong isyu?
DIRETSAHANG inamin ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda na ayaw pa sana niyang makasama sa pelikula si Eugene Domingo.
Isa si Uge sa supporting cast ng Metro Manila Film Festival 2024 entry “And The Breadwinner Is…” mula sa Star Cinema at ABS-CBN Studios.
“Si Direk Jun gumamit ng friendship card kasi gusto niya talaga si Uge for the role. Ako, kasi ayoko pa. Kasi meron akong dream na project na kasama ko si Uge,” pahayag ni Vice.
Aniya pa, “Sabi ko ayoko kasi meron akong gusto na dalawa kaming bida. Kaya ayoko muna, kasi una, nahihiya ako kay Eugene kasi support, ang gusto ko kasi dalawa kaming bida.
“Sabi ko, kung makikita na kami rito, baka mapre-empt na ‘yung plano ko. Gusto ko may pasabog kami ni Uge ‘yung walanghiyaan kami sa isang pelikula,” sabi pa ni Vice.
“Eh, ang generous niya, she didn’t mind na support ko si Vice. Sige!” aniya pa.
Sey pa hg TV host-comedian, proud na proud siya sa kanyang comeback movie at “very personal” para sa kanya.
“Iba ‘yung pagmamahal ko dito sa movie, iba din ‘yung pagmamahal na nakuha ko sa mga kasama ko. Lahat sila may balak sa akin. Lahat sila may project sa akin. May gusto sila na makita ng mga tao sa akin pag napanood ang pelikulang ito,” sey Vice.
Tungkol naman sa mga drama moments at confrontation scenes niya sa movie, lalo na sa mga eksena nila ni Eugene at ng gumaganap na nanay niya sa pelikula na si Malou de Guzman, kinarir daw talaga niya ang mga ito.
“I wasn’t scared to get out of my comfort zone. Okay ako lumabas, I’m scared na hindi ko ma-deliver at hindi ko mapanindigan. Kaya I made sure na ma-deliver ko ito at mapapanindigan ko ito,” chika pa ni Vice.
Inamin din niya na personal request niya sina Gladys Reyes at Jhong Hilario sa kanyang MMFF 2024 movie, “Wala pa kaming concept ang request ko talaga sina Gladys at Jhong. Gusto namin, lahat kami…hindi lang comedy kung ‘di drama-comedy. Very close ako sa kanilang dalawa kasi magaling sila sa drama.”
Ka-join din sa movie sina Joel Torre, Kokoy de Santos, Maris Racal, Anthony Jennings, Via Antonio, MC Muah, Lassy Marquez, Kiko Matos at ang “It’s Showtime” kids na sina Argus at Kulot.