VICE GANDA NAG-ALAY NG MENSAHE SA BUROL NG CO-HOST SA IT’S SHOWTIME NA SI KARYLLE PADILLA!
NAKAKALOKA! Isang sikat na celebrity na naman ang walang awang pinatay sa social media ng mga taong walang magawa sa buhay.
Ang latest victim — ang nananahimik na TV host at aktres na si Karylle at dinamay pa ng mga fake news peddlers ang kanyang kaibigan at kasamahan sa “It’s Showtime” na si Vice Ganda.
Ang nakalagay sa title ng naturang Facebook post ay, “VICE GANDA NAG-ALAY NG MENSAHE SA BUROL NG CO-HOST SA IT’S SHOWTIME NA SI KARYLLE PADILLA!”
Ang mababasa sa caption nito ay, “Sa kabila ng kalungkutan, nagbigay ng touching na mensahe si Vice Ganda para kay Karylle Padilla sa burol ng kanilang co-host.
“Ipinahayag niya ang pasasalamat at pagmamahal kay Karylle, na naging malapit na kaibigan at kapwa sa kanilang show. Ang mga emosyonal na salita ni Vice ay nagbigay liwanag sa madamdaming pagkakataon na ito.
“Paano kaya tatanggapin ni Karylle ang mensahe ni Vice sa kabila ng kanyang pinagdadaanan?”
In fairness, mukhang knows na ngayon ng netizens kung ano ang totoo sa mga nababasa nilang balita sa social media at kung ano ang gawa-gawa lang ng mga sinungaling at pekeng vloggers.
Narito ang mga nabasa naming reaksyon ng mga netizens sa comments section ng nasabing FB page na puro fake news ang ipino-post.
“Wag kayong ganyan sasama ng ugali nyo. Kung magbibiro kayo yong nakakatuwa hindi yong fake news paano aangat ang bansa kung kayo din ang maninira sa kapwa nyo. Baguhin nyo ugali uan baka sainyo tumama yan no. Good. Manners.”
“O Ayan na nman senado panawagan bigyan nio na Ng hustisya yong mga taong nagpost Ng ganitong kuwento para matigil na kabalastugan Ng mga ito please lng.”
“Hindi na kapaki paniwala ang mga balita ninyo.baka sonod sonod na kayong lahat lalo na sa ng po post kong ano ang totoo.”
“Ang may kasalanan niyan iyong government natin walang pangil ang batas nila.siguro kung isang senador ang naka lagay na patay sila iyon pala buhay pa pala.siguro naman habulin na nila kung sino ang nag sabi patay na si ganito senador.”
“Uselesa yong simcard registerd kong hindi nila malaman kong sinong tao mahilig magpost ng masama ng tao.”
“Ganyan talaga ang buhay artist pag,Laos na gumagawa ng paraan para sisikat cla buhay pa Pinatay na.”
“Fake news na man. diyos lang ang may karapatan sa ating mga nilalang nya. Amen.”
“Dpat hinuhuli ung gnyang fake news eh para matikman nila kung ano ung pinalalabad nila s social media panira yan s tao n Nd nman totoo ung binabalita nila.”