Vice natakot: Baka cooking show ‘tong Miss U! Naka-apron si Catriona, e!
DISMAYADO at feeling frustrated na naman ang mga Filipino pageant fans matapos mabigo si Chelsea Manalo na makaabot sa Top 12 ng Miss Universe 2024.
Hanggang sa Top 30 lang natawag ang bet ng Pilipinas sa katatapos lang na grand coronation ng naturang international beauty pageant na ginanap sa Mexico City, Mexico ngayong araw.
Kaya naman luhaan na naman ang mga Filipino fans sa pagkatalo ni Chelsea. Ang representative ng bansang Denmark na si Victoria Kjær Theilvig ang itinanghal na Miss Universe ngayong taon.Kanya-kanya namang hugot ang nga kababayan natin sa pagligwak kay Chelsea sa kumpetisyon, una na riyan ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda na talagang abangers lagi Miss Universe pageant.
Sa kanyang X account, sunud-sunod ang pagpo-post ng Kapamilya TV host-comedian. Una nga niyang sinita ang host ng event na si Miss Universe 2012 Olivia Culpo dahil sa galaw nang galaw habang nagsasalita on stage.
Hirit ni Vice, “Olivia puyat ako at nakainom. Baka pwedeng wag masyadong malikot hinihilo moko ats! Relax! Go Chelsea!”
Pak na pak naman para sa kanya ang pagrampa ni Chelsea sa swimsuit competition.
“Ayan ganyan Chelsea! Gusto ko yang rampang parang may pinapahid ka sa gutter. Laban!” sey ni Vice sa pasabog na pasarela walk ni Chelsea.
Reaksyon naman ni Vice sa OOTD ng backstage commentator na si Miss Universe 2018 Catriona Gray na naka-backless white dress, “Natatakot ako baka cooking show tong Miss U! Naka apron si Catriona, e.”
Kasunod nito, nag-post din ang komedyante ng mensahe sa pagkalaglag ni Chelsea sa Top 12.
Post ni Vice, “Ahhh ehhhh. Ok. Bye. Zzzzzzzzzzzzzzzz! Thanks Chelsea! Have a safe flyt back home! (heart emojis).”
Narito pa ang ilan sa mga nakakalokang hirit ng netizens sa pageant journey ni Chelsea.
Ayon sa isang social media user, kumonsulta pa raw siya sa chatGPT at ito raw ang naging sagot nito.
“Ang problema kay Chelsea kulang sa pagkukusa; laging naghihintay na tawagin bago pumunta sa unahan.
“Sa ganyang kompetisyon, mahalaga ang presence of mind at ang pagiging proactive.
“Sa susunod, kahit hindi tawagin sa Top 12, magkusa na lang pumunta sa harap at ipakita ang kanyang kumpiyansa.
“Ang pagkukusa ay mahalaga dahil dito lnakikita ang pagiging handa at sigasig sa anumang sitwasyon.
“Hindi dapat hintayin ang utos; dapat nauuna pa sa aksyon.”