Charo Santos pinagbawalang mag-talk, bumagsak ang immune system

Charo Santos pinagbawalang mag-talk, bumagsak ang immune system

Charo Santos

BUMAGSAK ang immune system ng veteran actress na si Charo Santos na siyang naging dahilan kung bakit biglang nawala ang kanyang boses.

Pinagbawalang magsalita ng kanyang mga doktor ang dating presidente ng ABS-CBN nang ilang linggo para mas mabilis ang kanyang paggaling mula sa kanyang naging kondisyon.

Sa isang Instagram video, ibinalita ni Charo na bigla na lang siyang nawalan ng boses sa gitna ng kanyang kabisihan nitong mga nagdaang buwan.

“Isang umaga gumising na lang ako wala na akong boses. Tapos naisip ko, siguro dahil dun sa back-to-back taping schedules ko ng Batang Quiapo and my military training. Bumagsak na nga ‘yung immune system ko,” pagbabahagi ng award-winning actress at TV host.

Dugtong pa niya, “I was given strict instructions by my doctor not to talk, not to even whisper so hirap na hirap talaga ako nung FTX (Field Training Exercise) ko.

“I had to use a whiteboard and pentel pen to communicate with the commanding officer and the military training instructors. Thankfully naman naka-graduate ako,” sey ni Charo.

Pagkatapos uminom ng mga gamot na ibinigay sa kanya ng mga doktor ay unti-unti na raw bumabalik ang boses niya.

“Ngayon medyo bumabalik na ‘yung boses ko. A bit raspy pero may lumalabas na and hopefully by next week makabalik na ako sa taping ng Batang Quiapo. See you soon,” pahayag pa ng beteranang aktres at movie icon.

Kamakailan ay masayang ibinalita ni Charo na isa na siyang certified Philippine Air Force Reservist matapos maka-graduate sa Reservist training noong October 19.

“It’s never too late to start something new, to challenge yourself, and to keep on growing.

“(It was) a journey that was as rewarding as it was challenging. There were moments when I doubted myself, wondering if I could meet the demands, but I embraced every challenge, pushed forward, and found joy in each step of the process,” aniya sa kanyang IG post.

Dugtong pa niya, “Spending these past few weeks alongside my fellow reservists has been an honor, and I hope my story encourages you to pursue your passions, face your fears, and keep moving forward.