Muling sumagot sa isang basher si AJ Raval kahit hindi naman patungkol sa kanya ang komento nito.
Pinuntirya kasi ng netizen ay ang nobyo ni AJ na si Aljur Abrenica, na papalaot na rin sa pulitika.
Tatakbo si Aljur bilang konsehal sa Angeles City, Pampanga, sa 2025 elections.
AJ RAVAL: “I WILL PRAY FOR YOU”
Sa lumang post sa Instagram ni AJ kung saan pini-flex ng aktres ang relasyon nila ni Aljur, may nagkomentong netizen may isang linggo na ang nakalilipas.
Umalma ang netizen matapos kumalat ang balitang pati si Aljur ay tatakbo na rin sa susunod na eleksyon.
Sabi ng netizen, paano raw sasabihing magsisilbi si Aljur sa mga tao gayong iniwan nito ang sariling pamilya. Ang tinutukoy ng netizen ay ang pakikipaghiwalay ng aktor sa asawa nitong si Kylie Padilla, kung saan mayroon siyang dalawang anak na lalaki.
Ayon pa sa netizen, wala na rin daw kasing proyekto si Aljur sa showbiz kaya sa politika naman magbabakasakali.
Buong komento ng netizen, “tigas ng mukha mo tumakbo ng eleksyon eh sariling pamilya mo nga iniwan mo at hindi mo mapanindigan taong bayan pa kaya! laos na kasi kaya politika naman ang gagawing gatasan”
Sumagot dito si AJ, ang kasalukuyang karelasyon ni Aljur.
Sabi ni AJ, “I will pray for you” at “Godbless you and your Family.”
Sarkastiko namang sumagot dito ang netizen.
Ayon dito, hindi niya kailangan ng dasal mula kay AJ at sa boyfriend nito. Baka sila pa raw ang mas higit na nangangailangan nito
At bakit daw si AJ ang sumagot gayong hindi naman siya ang tatakbo sa eleksyon. Daig pa raw nito ang tunay na “legal wife.”
Buong komento ng netizen: “thanks! diko kailangan ng prayers mo kung sa gaya mo rin lang na tao mangagaling ang dasal at tingin ko mas need mo ata ang dasal namin para sayo at sa jowa mong laos at irresponsable kasi hindi naman kami ang nang agrabyado sa pamilya ng jowa mo.
“tsaka hindi naman ikaw ang issue at hindi naman ikaw nag tatakbo sa eleksyon kung makapag react ka as if ikaw yung legal wife! at sa totoo naman eh paanong tutulong jowa mo sa taong bayan kung sarili nyang asawa at mga anak hindi nya naipaglaban at napanindigan taong bayan pa kaya!?”
Hindi na sumagot si AJ sa netizen.
News
Kath: “Lagi kong iniisip that forgiveness or second chances isn’t an obligation”
Parehas na naniniwala sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa ideya ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon o second chance. Sa ginanap na grand mediacon ng Hello, Love, Again nitong Huwebes, October 17, 2024, natanong ang dalawa kung naniniwala ba silang maaari pang magbago ang isang taong nakagawa…
Marian Rivera’s parenting style surprises fans
For nearly a decade, one of Marian Rivera’s quiet yet impactful advocacies has been helping children with cleft lips and palates. She has long supported Smile Train Philippines, a non-profit organization dedicated to providing free corrective surgeries. Marian takes pride in…
Simone Biles and Team USA Outshine by Carlos Yulo As Paris Olympics Star Bags a Lifetime Contract After Overnight Success
It was Team USA and Simone Biles who illuminated the Paris Olympics gymnastics movements, yet it was Carlos Yulo who truly set the stage ablaze. With performances that left the audience breathless, Yulo not only secured a lifetime contract but also captured the world’s…
Nakakaaliw!! Kim Chiu Nag Lambing Kay Direk Lauren! Humingi Ng Pera at Nagmistulang Anak O Baby?!
Pumatok sa mga netizens ang pinakabagong Instagram story ni Kim Chiu, kung saan makikita siyang nakikipagbiruan at nagiging tila anak o baby ni Direk Lauren. Ang nakakatuwang bahagi ay ang pabirong paghingi ni Kim ng baon kay Direk, na talagang…
How Barbie Forteza became an accidental hero
A plethora of netizens consider Barbie Forteza a hero after immediately coming up to the rescue of Herlene Budol who stumbled while doing a catwalk during the GMA Gala 2024. It was Forteza who was behind Herlene waiting for her…
Kobe Paras has been reprimanded for his recent comments
Pinagsabihan ni Benjie Paras ang anak na si Kobe Paras nang sagutin nito at isnabin si Manay Lolit Solis na nag-comment tungkol kay Kyline Alcantara. Nagkita sila sa event ng Ultra Mega na ginanap sa Okada Manila noong nakaraang Sabado….
End of content
No more pages to load