Barbie Imperial inalis sa ‘Batang Quiapo’ fake news; mga bagong karakter ibinunyag

Barbie Imperiel inalis sa 'Batang Quiapo' fake news; mga bagong karakter ibinunyag

PHOTO: Instagram/@msbarbieimperial

NAGLABAS ng official statement ang ABS-CBN dahil sa kaliwa’t kanang fake news mula sa mga hindi legit na showbiz websites tungkol kay Barbie Imperial na wala na sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Ang nilalaman ng statement, “There is no truth to the rumors that Barbie Imperial is no longer part of FPJ’s Batang Quiapo.

“Barbie, Coco Martin and the production team openly communicate with each other and she remains committed to the series.

“Viewers can look forward to her exciting scenes a Tisay in the coming episodes.

“Maraming salamat Kapamilya.”

May lumabas din kasing mukha ni Coco na naka-quote siya na inalis na niya si Barbie dahil mas inuna nitong magbakasyon sa Milan, Italy para makasama ang rumored boyfriend nitong si Richard Gutierrez na nag-shoot doon ng serye nila ni Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Marami raw kasing naghahanap ng trabaho at hindi maisara pa ang istorya ni Barbie dahil nga nakaka-2 scenes palang siya, kabilang na ang eksena sa sugalan na natalo niya si Coco, pati na rin sa resto-bar kung saan isang singer ang dalaga at doon siya nakita ng grupo ni Tanggol.

Nakausap namin ang taga-production ng Batang Quiapo at sinabing back-to-work na si Barbie nitong Miyerkules, October 2.

“Oo hindi naman tinanggal si Barbie at tsaka walang sinasabing ganyan si Direk Coco, actually nababasa rin namin ‘yung mga fake news natatawa nga kami, tuloy pa rin ‘yung character ni Barbie bilang carnapper at kabilang siya sa sindikato.

“Makakasama ni Barbie bilang carnapper sina William Martinez, Ariel Villasanta at Anjo Yllana.”

Ang tarush may mga pangalan na namang nadagdag sa Batang Quiapo at may mga pangalan pa kaya buti nabibigyan lahat ng exposure.

“Nagbawas naman kasi ng tao, like si Supremo (Sen. Lito Lapid) out na muna siya kasi kakandidato, e, bawal di ba? Sina Mark Lapid at Joey Marquez din out na, hindi ko alam kung kakandidato sila. Pero ‘yung grupo ni Supremo, out na.

“Tapos si sir Jaime Fabregas (Don Facundo) wala na rin kasi ‘di ba sinugod sila ni sir Christopher de Leon, pati si Ms Tessie Tomas (Dona Bettina), wala na rin, yung grupong ‘yun wala na.

“Tsaka sa eksena pinatay ni Nonie Buencamino (Marcelo) si Jaime (Don Facundo) kasi nga namatay ang anak niyang si Bubbles (Ivana Alawi) dahil ni-rape ni Pablo (Elijah Canlas).”

Namatay din pala si Nonie dahil pinatay siya ni Madonna (Kim Domingdo) tapos iniligtas niya sina Tanggol (Coco).

Hindi pa rin daw patay si David played by McCoy de Leon.

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan daw ang mga maraming pagbabago sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News