Daniel malutong na nagmura habang kumakanta, apektado sa KathDen?

Alden Richards, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

 

TAGOS na tagos ang pagmumura ni Daniel Padilla na feeling ng mga netizens ay para pa rin sa kontrobersyal na hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.

Hot topic ngayon ng mga Marites sa social media ang viral video ni Daniel habang kumakanta sa kanyang birthday celebration kamakailan na ginanap sa Batangas.

Sa TikTok video na in-upload sa account ng isang Jaix_16, makikita at maririnig nga si DJ na kinakanta ang kanyang favorite song na “Hinahanap-hanap Kita” ng Rivermaya.

Base sa napanood naming video, biglang isinigaw at malutong na nagmura si Daniel na bahagi ng mga lyrics ng kanta, “P*tang i*a may kapiling ka ng iba!”

Maririnig sa background ang palakpakan at hiyawan ng mga taong dumalo sa kanyang birthday party.

Halos lahat ng nag-comment sa naturang TikTok video ay nagsabing siguradong may konek pa rin ang pagmumura ni DJ sa breakup nila ni Kathryn.

Ang feeling ng mga netizens, connected din ito sa mga chika na nagkakamabutihan na raw si Kathryn at ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Naniniwala rin ang kanilang mga fans na sa muling pagsasama ng KathDen para sa part 2 ng blockbuster film nilang “Hello, Love, Goodbye” ay mas mapapalapit pa sila sa isa’t isa, lalo pa’t pareho na silang single ngayon.

Sa panayam kay Kath ng Mega Magazine, sinabi ng dalaga na okay na okay na siya ngayon.

“Now, where I am is exactly where I’m supposed to be. February for me is the new January. Parang ’yon ’yong tapos na. I know that I’m okay. I can say I’m healed.

“You have to experience all the process, all the pain, lahat. But I always make sure that when it comes to my work, nothing is affected,” aniya pa.

Tungkol naman sa isyu ng pagpapatawad, “Ang lalim kasi ng word na forgiveness. For me, you can forgive people who deserve it.

“But when I forgive you, it doesn’t mean that I have to keep you in my life. I forgive you for my peace of mind, for clarity, and for everything. But it doesn’t mean na puwede kang bumalik. It depends.

“I’ll just keep my distance; you keep your distance. We’re okay like that. I mean, kunwari, I got hurt, why would I allow you to come back? It depends. It’s a case-to-case basis,” sabi ni Kath.