– Natanggap na ni Angelica Yulo, ina ng Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang award
– Kasama ni Angelica ang kanyang mister na si Mark nang tanggapin niya ang ‘Ulirang Ina Award’
– Bagama’t marami ang bumatikos sa kanya nang ianunsyo ng award giving body na kabilang si Angelica sa makatatanggap ng award, marami rin ang sumuporta sa kanya
– Matatandaang kasabay ng tagumpay ng kanyang anak na si Carlos ay ang paglitaw ng kontrobersiyang namamagitan sa kanilang pamilya
Ngayong Setyembre 14, tinanggap na ni Angelica Yulo ang “Inspiring Motherhood Legacy Award” o “Ulirang Ina Award” na iginawad sa kanya ng Southeast Asian Achievement Awards.
Angelica Yulo, labis na nagpasalamat nang tanggapin ang ‘Ulirang Ina Award’ (Joseph Ople Canabuan) Source: Facebook
Isa si Angelica sa mga hinirang na Ulirang ina para sa taong ito ng nasabing award-giving body.
Labis na nagpasalamat si Angelica subalit tanging ito na lamang ang kanyang nasambit sa video na ibinahagi ni Joseph Ople Canabuan.
Matatandaang inulan ng batikos ang pag-anunsyo pa lamang ng Southeast Asian Achievement Awards na kasama si Angelica sa kanilang mga pangangaralan, subalit dinagsa rin siya ng suporta bilang ina ng nagbigay karangalan sa bansa na si Carlos Yulo.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba’t ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019. Dalawang gintong medalya ang maiuuwi ni carlos mula sa 2024 Paris Olympics.
Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men’s Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.
Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano’y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos.
News
Chloe San Jose, nag-react sa bashers na kinumpara siya kay Chucky’s Bride
– Carlos Yulo and Chloe San Jose are the new brand ambassadors of Urban Smiles Dental Clinic – The two-time Olympic gold medalist’s girlfriend shared the good news on her Facebook page – In the comments sections of her post,…
Julia Barretto at Gerald Anderson, nasa Gensan para sa kaarawan ng ina ni Gerald
– Binahagi ni Gerald Anderson ang ilang pictures na kuha sa ika-66 na kaarawan ng kanyang ina – Bukod sa picture nilang mag-ina ay naroroon din ang kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto – Base sa nakalagay sa post…
Stell Ajero of SB19 shares inspiring journey from McDonald’s crew to endorser of the same brand
– Stell Ajero, a member of SB19, shared his memories as a McDonald’s crew during a fan meet – He worked at McDonald’s while he was still in college, which taught him many life lessons – Now, Stell is one…
Anne Curtis, may nakakaaliw na entrance sa pagbabalik niya sa ‘It’s Showtime’
– Anne Curtis definitely knows how to put up a show – Just recently, she appeared in the ‘Kalokalike!’ segment of ‘It’s Showtime’ – It was her much-awaited comeback after her absence from the noontime show – She even pretended…
Ion Perez, sinurpresa si Vice Ganda: “Para sa busy kong misis”
– Sinurpresa ni Ion Perez si Vice Ganda sa set ng shooting ng bagong proyekto nito – Naisipan ni Ion na bisitahin ang kanyang “misis” para dalhan ito ng makakain – Samantala, hindi naman lubos na maipakita ni Vice ang…
Eldrew Yulo Steps into the Limelight: Following in Brother Carlos’ Footsteps as SEAAA 2024 Ambassador
In an exciting development for the sporting world, Eldrew Yulo, the younger brother of celebrated gymnast Carlos Yulo, has been named the Ambassador for the Southeast Asian Achievement Awards (SEAAA) 2024. This prestigious role highlights Eldrew’s outstanding accomplishments and his…
End of content
No more pages to load