Gerald Anderson, nagpahayag ng hindi pakikialam sa isyu ng pamilya ni Julia Barretto at Dennis Padilla sa panayam sa The Men’s Room. Sinabi niyang neutral siya at umaasa na maaayos ang alitan ng pamilya sa tamang panahon. Inamin niyang tinawagan siya ni Dennis noong 2019 bilang isang concerned father para alamin ang katotohanan. Binigyang-diin ni Gerald na suportado niya ang parehong panig ngunit hindi siya bahagi ng isyu ng pamilya.
Nagpahayag ang aktor na si Gerald Anderson ng kanyang posisyon kaugnay sa isyu sa pagitan ng pamilya ni Julia Barretto at ng ama nitong si Dennis Padilla. Sa isang panayam sa The Men’s Room ng One News PH kasama sina Janno Gibbs at Stanley Chi, nilinaw ni Gerald na wala siyang planong makialam sa alitan ng pamilya ng nobya.
Source: Instagram
Nang tanungin ni Janno kung tinawagan na ba siya ni Dennis, inamin ni Gerald na nangyari na ito noong nakaraan. “Oo, before,” sagot niya, ngunit binigyang-diin niyang hindi siya bahagi ng mga usapin ng pamilya. Aniya, “Mas importante kung ‘yung as a family. Ako naman, outside ako but I support both sides kasi siyempre pamilya ‘yan. Hindi tayo pwedeng makisali diyan.”
Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung okay na sila ni ‘B’
Bagama’t nananatili siyang neutral, umaasa ang aktor na maaayos din ang relasyon sa pagitan ni Julia at ng kanyang ama. Dagdag pa ni Gerald, “Ako, just hoping… Siyempre, nakikita ko naman… you just pray and hope na maaayos ‘yan behind the scenes.”
Matatandaang taong 2019 nang unang tawagan ni Dennis si Gerald kasunod ng kontrobersiyang kinasangkutan nila ni Julia. Sa kabila ng mga intriga at paratang na si Julia ang third party sa breakup ni Gerald at Bea Alonzo, nanindigan ang aktres na wala siyang kinalaman dito.
Sa panayam noon, ibinahagi ni Gerald na nagkaroon sila ni Dennis ng maayos na pag-uusap bilang isang ama na nag-aalala para sa anak. “Si Sir Dennis, tumawag siya sa akin. Isa siyang concerned father. Anak niya ‘yun, e. Siyempre, alam natin na grabe rin ‘yung bashing sa side nila. No one deserves that,” kwento ng aktor.
Sa kabila ng mga isyung kinakaharap, nananatiling positibo si Gerald na darating ang tamang panahon para sa pagkakasundo ng pamilya ni Julia.
Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.
Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend.
Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan.