“Kailangan po natin bigyan ng time yung sarili natin.”
Coco Martin talks about taking stock of his life, and making sure he stays well and alive for the sake of people who depend on him
PHOTO/S: Screengrab from Instagram
Coco Martin undoubtedly is one of the busiest actors today—making movies while doing his years-long action-packed series Ang Probinsyano that ended on August 12, 2022, and again with his new TV show Batang Quiapo adding to his heavy workload,
Does Coco ever get tired, he was asked during the press conference that introduced him as the new ambassador for RiteMed on January 23, 2023.
“Actually, oo, napapagod din ako, nagagalit din ako,” he answered.
“Pero, ang nag-i-inspire sa akin kapag alam ko tama ang ginagawa ko, lalo na kapag meron akong proyekto na ginagawa na alam ko na na-i-inspire ko yung mga katrabaho ko o yung grupo ko, yung mga co-actors ko.
“Natutuwa lang ako kasi alam ko na kahit yung mga veteran actors na mga katrabaho ko, na-i-inspire ko pa rin sila.
“Siguro sabi ko nga tama po kayo, pagiging energetic ko kasi hindi ako puwedeng makita nila na mahina, e, or babagal-bagal o lalo na’t tatamad-tamad.
“Kasi mas gusto ko pinapakita sa kanila na parang, pag nasa trabaho ako, trabaho.”
But after a gruelling day, away from the cameras and alone, Coco does allow himself to slack off.
He said, “Kapag yung sumakay na ako ng sasakyan, dun na nag-sha-shutdown yung lahat.
“Siyempre dun mo na ma-a-absorb yung pagod, yung stress, lahat.
“Pero, sabi ko nga, ‘Ayoko na haharap ako sa tao o kahit kanino na napapakita ko na parang wala akong gana.’
“Kasi gusto ko pag nakita nila ako, ‘Siya nga napakaraming ginagawa, pero never natin siyang nakitang parang wala sa mood o mahina o tinatamad.’
“Kasi gusto ko sa akin magsisimula yung saya or yung positivity ng mga kasama ko sa trabaho.”
WORKING OUT, taking vitamins
What came as a surprise was Coco’s revelation at the presscon that he began giving serious attention to a healthy lifestyle only during the pandemic.
He said, “Actually ano po, napakalaking tulong na sa akin sa buong buhay ko nung dumating ang pandemya.
“Kasi dati talaga, ang ina-ano ko po trabaho, trabaho, trabaho. Kasi nandun po ako sa realidad na buhay, na alam ko po itong pinasok kong hanapbuhay, hindi pang habang-buhay.
“Maaaring ngayon okay ka, sa susunod na taon baka hindi na, or baka malimutan ka na agad ng tao.
“Kaya mindest ko nun, ‘Hindi, mag-iipon ako nang mag-iipon. Kakayod ako nang kakayod hangga’t okay, hangga’t gusto ako ng mga tao.’”
But not at the extent of his health.
Sa pagpapatuloy ng Kapamilya actor, “Pero na-realize ko po nung pandemic, aanhin mo lahat ng mga naipon mo, kung hindi mo naman iingatan yung personal mong buhay, o yung health mo.
“Kasi maaaring nakapag-ipon ka nga, nakapag-invest ka nga, pero dahil nga sa pinabayaan mo yung sarili mo, maaga ka ring nawala.
“Saan mapupunta iyon, di ba po? Sayang kung hindi mo rin ma-i-ano nang tama.
“E, nung pandemic po, na-realize ko, unang-una kailangan ko ingatan at alagaan yung sarili ko.
“Kahit gaano ako ka-busy, binibigyan ko pa rin ngayon talaga ng time yung sarili ko na makapag-pahinga ng tama at makapag-workout.”
Good thing, too, Coco has been taking supplements, “Vitamins, inaagapan ko na. Pero yung maintenance, sa awa ng Diyos, wala pa naman.”
TAKING STOCK OF HIS LIFE
Foremost in the mind of Coco is the welfare of the people who depend on him.
He said, “Dati tinitignan ko itsura ko rin gaya nung sa pelikula kung saan sabi ko, ‘Napapabayaan ko na itsura ko kasi andami-dami ko nang iniisip. Andami-dami ko nang ina-ano.’
“Kailangan pa rin po natin bigyan ng time yung sarili natin, kasi isang araw haharap tayo sa salamin, maaawa ka sa sarili mo na lahat inatupag mo…
“Lahat binigyan mo ng pansin, inayos mo, at napabayaan mo pa rin ang sarili mo.
“Kaya ngayon na every time nag a-ano ako, proud ako sa sarili ko kasi hindi nabawasan yung trabaho ko.
“Pero binigyan ko talaga ng time yung sarili ko para mapangalagaan ko.
“Dahil alam ko, na kailangan ako ng pamilya ko at maraming mga tao ang nangangailangan sa akin kaya kailangan kong pahabain yung buhay ko.
“Kasi nung nagpo-Probinsyano ako, kung tinamaan ako, hinto.
“Kasi ako yung pinaka-inaasahan ng lahat, e. Tapos siyempre po pamilya ko nakakapit sa akin.
“Pero sabi kong ganun, siguro, hindi naman po ako nagpapaka-religious, pero alam po siguro ni God na malaki yung responsibilidad ko na nakapatong sa akin, na kaya kailangan maging matibay ako.
“Kaya nga sinabi ko rin po kani-kanina po na kaya ako namulat na kailangan palakasin ko yung katawan ko, kasi maraming umaasa sa akin.”