David Licauco no longer in a relationship

David Licauco has reportedly broken up with mystery girlfriend.

David Licauco is no longer in a relationship

David Licauco breaks up with mystery girlfriend months after going public that he’s taken. 
PHOTO/S: @davidlicauco Instagram

Hiwalay na si David Licauco, 30, sa kanyang mystery girlfriend.

Ito ang usap-usapan ng mga masugid na tagasubaybay ni David matapos ang pag-amin ni Barbie Forteza, 27, na hiwalay na ito at longtime boyfriend na si Jak Roberto, 31.

Nanggaling ang balitang wala nang karelasyon si David sa social media post ni Joy Marcelo, first vice-president ng Sparkle o GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA-7.

Noong December 2024, nag-post sa Instagram Story si Joy ng litrato niya kasama ang Kapuso stars na sina David at Nikki Co.

Sa caption, ang isinulat ni Joy bilang paglalarawan sa dalawang binata: “Mga single ngayong pasko!!!! @davidlicauco @nikkico_.”

David Licauco is single

Photo/s: @joymarcelo1115 IG Story

Kahit ilang araw na ang nakalipas, nakakuha pa ng kopya ang eagle-eyed fans at ni-repost ang IG Story ni Joy.

Tingin nila ay hudyat ito na kumpirmadong “SINGLE” si David.

Ibig daw sabihin ay may pag-asa ang iniidolo nilang tambalan na sina Barbie at David, o may uniname na BarDa.

DAVID LICAUCO ON BEING “TAKEN”

Noon lamang June 25, 2024 umamin si David na siya ay may kasintahan.

Sa guest appearance niya sa Fast Talk With Boy Abunda, tinanong ang aktor kung siya ay single o taken.

Sumagot si David ng “taken.”

Pero hindi pinangalanan ng binata kung sino ang kanyang karelasyon.

Wala rin siyang anumang pinu-post sa social media kung sino ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso.

Noong January 1, 2025, may carousel ng IG photos si David na nagsusuma ng kaganapan sa buhay niya noong 2024.

Wala roon ang ngayo’y ex-girlfriend na niya.

Kasama naman sa carousel ang litrato ni David kasama ng Pulang Araw co-stars na sina Barbie Forteza, Alden Richards, at Sanya Lopez.

Pulang Araw lead stars David Licauco, Barbie Forteza, Alden Richards and Sanya Lopez

Pulang Araw lead stars David Licauco, Barbie Forteza, Alden Richards and Sanya Lopez 
Photo/s: @davidlicauco Instagram

Kagabi, January 2, tila chill lang si David base sa ipinost niyang litrato ng isang wine bottle na nakapatong sa table tabi ng bintana ng isang high-rise condo unit.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anumang pahayag si David.

FANS ROOTING FOR DAVID LICAUCO AND BARBIE FORTEZA

Parehong taken sina Barbie at David noong nagpo-promote sila ng pelikula nilang That Kind of Love noong June 2024.

Pero marami sa kanilang fans ang kinikilig sa chemistry nila on at off cam.

Sa panayam kina Barbie at David sa PEP Live noong July 2, 2024, hindi itinago ni Barbie na siya ay committed sa relasyon nila ni Jak Roberto.

Hindi binanggit ni Barbie ang pangalan ni Jak, pero nang tanungin siya kung anong klaseng love ang hinahanap niya, mabilis ang sagot ni Barbie.

“I am not looking anymore. I just want what I have now to last,” saad ng aktres.

Sa parehong tanong, ang sagot naman ni David: “At this point in my life, I am looking for stability and someone who understands my life because it’s not easy that I am doing so many things.

“And of course, yung caring.”

BARBIE FORTEZA ANNOUNCES BREAKUP WITH JAK ROBERTO

Hanggang sa nito ngang January 2, 2025, ibinalita ni Barbie na hiwalay na sila ni Jak matapos ang pitong taon at pitong buwang relasyon.

Isang malamang pagpapaalam sa aniya’y magandang samahan nila ni Jak ang isinulat ni Barbie sa kanyang Instagram post.

Kalakip nito ang litrato kunsaan magkahawak-kamay sila ni Jak habang nagko-coffee date.

Kuha iyon noong bago pa lang silang magkasintahan at nagdiwang sila ng kaarawan ni Barbie.

Sinabi ni Barbie na “exceptional” kung paano siya minahal ni Jak.

Pero may mga magandang bagay raw na sadyang nagtatapos.

Bahagi ng malamang post ni Barbie: “Beautiful goodbye, @jakroberto

“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.

“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”

Hindi sinabi ni Barbie ang dahilan ng hiwalayan nila ni Jak.

Makailang-beses na ring naging tampulan ng espekulasyon ang estado ng kanilang relasyon bago ang breakup nila.

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Jak sa ngayon.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News